Feed on
Posts
comments

Lantern Parade 2008

nostalgia…. namnamin ko muna

snipits

1) gin-autograph ni Benedict Anderson, as in THE Benedict Anderson ang libro kong “Why Counting Counts,” ang pinakabago niyang libro published by Ateneo de Manila University

2) Poetry Reading (PR) with LIRA and Tutok Karapatan at Conspiracy! Sarap ng Keebab session with my co-biomen after the PR… Keema and PIta forever!

3) i won a book in my Anthro 287 class (Sex and Culture)!!!! Related ito sa homework about our concept of a sexy body… and mine’s the most creative and sexy in the class… i just read a poem :)
4) Nanood ng “Atang: Isang Sarsuela” sa Guerrero Theater.

5) Baked oatmeal chocolate cookies:) yummy!

6) Attended the UP Writer’s Night! Bumili ako ng “Rampa” ni Danton Remoto

7) Trying to finish the textbook evaluation racket with DepEd. Hayyy….

8 ) Attended the LIRA fellow’s night. May bago ulit akong libro (”Piping Dilat” by Teo Antonio at “Malate Literary Folio”) !!!! Yipee

Huwattt????!!!

I’m totally confused. kaka-check ko lang ng friendster ko, as in this acct. at nagulat na lang ako na from 355 friends… 126 na lang sila after one day…. pwede nyo bang ipaliwanag sa akin ang mga pangyayari????

Ang hagaru namang isipin ini-erase nila lahat ng accts nila. or ka-lukey naman isipin na more than half of them biglang nabad-trip sa akin at inirase ang access ko sa kanila…

Second Semester 2008

Sa wakas, matapos ang tatlong araw ay nakapag-enroll na rin ako! Noong lunes, simula ng enlistment, ay hindi nagbigay ng registration material ang kolehiyo — sa kung anumang dahilan, hindi ko alam. Kaya naman, kahapon lamang nagsimula ang aking ‘istasyon ng krus.’ Ang UP, bagaman may CRS o online pre-enlistment, ay notoryus pa rin sa pagiging Universidad ng PIla. Nagsimula ang araw ko kahapon nang sobrang aga. alas-8 ng umaga sa paniniwalang matatapos lahat sa isang araw. Nakakuha naman ako ng enlistment paper; mabuti rin na awtomatiko akong ininroll sa Philippine Studies (PS) 399, kursong kailangang kunin bago ang mga major na asignatura, dahil ito na lamang ang kulang kong pre-req na klase. Subalit, dahil nanghihinayang ako sa 3units lamang para sa isang semestre, ninais kong magdagdag pa ng isa.

Ang siste, kailangan munang matukoy kung aprobado na ang bagong patakaran ng aking programa. Bali-balita kasi na kapag ang MA na degri mo ay Philippine Studies na, hindi na kailangang kumuha pa ng Qualifying Examination. At dahil BA at MA Phil Stud ako, kailangang malaman ko kung aprubado na ang memong ito. Kaya naman, kailangan pang hanapin ang memo at / o maghanap ng mga taong nakakaalam nito.

Kinalaunan, salamat sa Diyos at totoo nga ang balita, hindi na ako mag-Qua-quals. Nangangahulugan na pwede na akong kumuha ng dagdag na klase at tuloy-tuloy na lamang ang pag-enroll.

Subalit ito pa ang dagdag na siste. Kailangan kong literal na mag-shopping ng kurso. Kailangan kasi’y affliate ng Philippine Studies Ph.D Program ang kukunin kong mga propesor. Ibig sabihin, kahit na gusto ko ang kurso o my kaugnayan sa gagawin kong disertasyon, hindi ko maaring kung ang kursong iyon kung hindi ituturo ng gurong affliated sa programa. At ang pinakamahirap pa sa lahat, walang mga kursong kaugnay sa gagawin kong disertasyon.

Natapos ang mga araw ng registration na may 6 units ako: PS 399 (Research Methodologies) at Anthro 186 (Culture and Sexuality)

****************

Batay sa aking Course Program:9 units ng Core Courses
12 units ng Major
9 units ng Minor
6 units Elective
2 Comprehensive Exam (batay sa Major at Minor)
Disertasyon

Join us in an evening of literature, fun, and good food while we do a marathon reading of the Noli Me Tangere (translated by National Artist for Literature, Virgilio S. Almario) on November 8 to 9, 2008 at the Filipinas Heritage Library. Celebrities, well-known artists, authors, students, and other lovers of Filipino literature will be coming to read (and perform) portions of this influential literary piece.

This event is part of the month-long festivities of the 12 th Philippine Book Development Month, which is celebrated every November.

******************

For the love of Ser Rio, nagbasa kami nina Mao, En at Repa (dumating si Charles); kumpleto muli ang Bioman Cast ng LIRA: Mula kay Red 1, Green 2, Blue 3, Yellow 4 at Pink 5) sa mga patay na oras ng ‘marathon.’ Ako mismo ay nagbasa nang ika-3:00 ng umaga (ng Linggo, Nobyembre 9). Take note: 3:00 ng umaga. Sa katunayan, tinalo ko pa ang ‘Master Showman Presents’ ni Kuya Germs dahil simula alas-5 ng hapon (ng Sabado, Nobyembre 7) ay naroon na ako sa Filipinas Heritage Library dahil manonood at makikinig ng mga pagbasa. At mula alas-5 ng hapon / araw na iyon, walang uwian.

Magdamag naming nilantakan ang libreng pakain: mula sa pika-pika na chichiriya, nagaraya, biskwit, hotdogs, cheese sticks at barbeque, hanggang chicken joy, palabok at siopao. Umaapaw din ang kape kaya siguro hindi kami nakatulog.

FYI: Si Repa ang pinakakumarir sa event. Tatlong kabanata ang kanyang binasa, alas-6 na nang umaga (Linggo, Nobyembre 9), nagpresenta pang magbasa. Ang taas ng adrelin, hindi ko alam kung anong tinura niya.

GAY LINGO 101

Menchu - from the rootword MEN; meaning LALAKI, madaming lalaki

B.Y. - from the first and last letters of the word BEAUTY; applicable to the male specie only; meaning BEAUTIFUL MAN

HIPON - as in SHRIMP, pertains to the actual crustacean;meaning LALAKING MAGANDA ANG KATAWAN PERO PANGIT ANG MUKHA; katulad ng hipon, kinakain o may pakinabang ang katawan, hindi / wala ang mukha

LOLLIPOP - sweets; meaning LALAKING MAGANDA ANG MUKHA PERO PANGIT ANG KATAWAN; katulad ng lollipop, katakamtakam ang ulo (ang mismong kendi) at hindi ang istik na kinalalagyan nito.

HATS 101 (part 2)

Dobbs -HOMBURG - Hat of soft felt with side brim slightly rolled, crown dented lengthwise.

Jockey Horse Rider StyleJOCKEY CAP - Woman’s hat in an imitation of cap worn by jockeys; made with small, close fitted crown and small partial brim like a visor

VINTAGE PILL BOX HAT W/ ORIGINAL VEILPILLBOX - Small, round hat with straight sides and flat top, shaped like old fashioned boxes for holding pills

HATS 101

Brushing my vocab regarding hats:

Green Velour Alpine HatALPINE - soft felt hat with brim, sometimes peaked crown, and feather, tassel, or brush trim, such as worn by inhabitants of Alps

BLACK PREPPIE CORDUROY IVY CAP BERET CABBIE HAT (H356) BERET - Hat adapted from the Basque beret, having round, flat crown of varying width, made of felt or other materials.

BOATER - straw hat with straight brim and a ribbon band.

Hat Common Bowler HatBOWLER - hat similar to derby shape, often having slightly wider brim with accentuated roll at sides.

Girl's Breton Hat BRETON - Hat with brim rolling upward evenly all around.

Alluring Vintage 40's Wide Brim Portrait Cartwheel Hat Finely ...CARTWHEEL - Hat with very large, often straight brim or even width; usually having shallow crown

Kangol Hat - Black Sweetcorn Cloche - LargeCLOCHE - Hat with bell-shaped crown. Often with an even brim turned down; also with short brim bact and front, slightly wider at the sides.

Deluxe Coolie Straw Hat-NaturalCOOLIE - hat, generally made in one piece, sloping downward on straight slant, usually from peaked crown

Jaxon Cossack Hat COSSACK - adaptation of cap worn by Cossacks; usually tall, brimless hat of fur, astrakhan, wooly-surfaced fabric, somewhat wider at the top than at headband

EMPRESS EUGENIE 1930's Brown Hat - Ostrich FeathersEUGENIE - small hat having brim turned up to the left; sometimes on both sides; trimmed with ostrich plumes; worn tilted toward right

Indiana Jones Fur Felt Fedora Hat FEDORA - low hat, usually of soft felt; brim originally rolled high at sides

The Merry Widow, Actress Lily Elsie as Sonia Wears the Famous ...GAINSBOROUGH - hat with large, graceful brim, usually turned up on one side, trimmed with plumes.

Gaucho HatGAUCHO - hat with high, tapered crown and tilted, wide brim, like those worn by Spanish-American herdsmen

1940s VINTAGE BLUE/GRAY HALO HATHALO - Hat worn off the forehead, well back on head, acting as circular frame for the face.

(to be continued)

Panlima na itong STS ng LIRA (sa pakikipagtulungan ng National Commission on Culture and the Arts) sa taong ito. Madaming pagkakaton ko na ring pinilit makasama sa proyektong ito na naglalayong magturo ng Tradisyunal na Sukat at Tugma sa Panulaang Filipino. Subalit sa lahat ng mga pagtatangkang iyon, iyon lamang sa Taguig ang nasamahan ko pa lamang.

Ang kick-off ng proyekto ay noong isinagawa ang isang kumperensiya ukol sa tula at pagtula sa University of Santo Tomas, noong Agosto. Mula doon, nakapunta na ng Dagupan (Pangasinan), Mauban (Quezon), Subic (Zambales) at ngayon nga sa Bicutan (Taguig).

*Isusunod na lang ang mga picture…

 

************************

on a lighter note:

Naligaw ako papuntang Taguig, partikular sa eskwelahan na pagdarausan ng Seminar/Worshop, ang Ma. Asuncion Rodriguez Tinga HighSchool. Naging isang ‘Amazing Race’ ang paghahanap ng nasabing lugar… kung tutuusin, mas masaya pa nga ang Amazing Race dahil partner kayong maghahanap, samantalang ako, mag-isa.

Mula bahay namin sa UP Diliman, sumakay akong Pantranco na jeep papuntang MRT-Quezon Avenue Station. Bilin kasi sa text ni Bebang na sa Libertad station ako maghanap ng DOST na jeep na papuntang Taguig, bababa sa Bicutan Market at sumakay ng yellow na tricycle at sabihin: Ma. Asuncion Rodriguez Tinga HighSchool.

Kaya mula MRT-Q.Ave, bumaba ako ng Taft station, at sumakay ng LRT1 papuntang Libertad station. Pagkababa ng istasyon, dahil gutom na ako at hindi pa nag-aalmusal, kumain ako sa Mcdo (na isang napakagaling na desisyon, dahil mahaba-haba pa pala ang biyahe). Dahil wala akong nakikitang DOST na jeep, nagtatanong-tanong ako. Sabi ng mama, kailangan kong tumawid at sumakay papuntang Rotonda (kung saan man iyon, hindi ko alam) na agad ko namang ginawa. Habang nasa loob ng jeep, napansin kong binabaybay ko lamang pabalik ang LRT Taft-Libertad na dinaanan ko (sa pagkakataong ito, nasa ilalim lang ako). Dumaan ulit ako sa kahabaan ng Taft, pabalik ng Taft station ng MRT (ang winner talaga!!! pansin nyo ba ang sarcasm?) tapos ay kumanan at dinaanan ang Macapagal Blvd. Doon medyo natakot na ako, natatanaw ko na kasi ang MOA, mukhang naliligaw na talaga ako. Mabuti na lamang at nag-U Turn ang jeep bago pa makarating sa napakalaking globo ng SM. Pagkalampas kaunti ng Heritage Hotel, kumanan ulit kami. Na mas lalo kong ikinaba, puros Happy Hours ang nakikita ko, samut-saring rate depende sa oras at araw ng punta at may isa pa ngang nakapaskil na nagsasabing huwag mag-alala, magtatawag pa sila ng taxi kapag aalis na kayo. Hahahaha! Magkakasunod na motel ang nakikita ko. Kaya naman ipinaalala ko ulit sa driver ang destinasyon ko: sakayan ng DOST na jeep. Sabi ng driver: Nakalimutan daw niya ang bilin ko (por Diyos, por Santo, nasa likod nya lang ako). Kaya bumaba ako at naglakad ng dalawang kanto (peste talaga ang ideya kong mag-stilleto, ang sakit sa paa tapos aspalto pa).

Sa kanto, tanong-tanong ulit, hanggang makakita ng DOST na jeep (sa wakas)…pagkabayad na pagkabayan ng 15pesos, ibinilin ko agad sa driver ang Bicutan Market. Habang nagbyabyahe at pasilip-silip sa kalsada, nakakatawa (na nakakainis) na binabaybay kong muli ang EDSA (pa-north bound nga lamang). Gusto ko nang kalbuhin ang sarili ko noon, mabuti na lamang at kumanan sa isang kalsada hindi ko na nabasa ang pangalan, hanggang sa makakita ako ng “to Paranaque, to Las Pinas” na signboard sa mala-SLEX na kalsada (dahil may tollgate). Shheeeesshhh nasaan na ako? Hindi ko na alam, hindi ako tagarito.

Nakita ko na ang SM Bicutan (meron palang ganun, hindi ko alam), nakakita ako ng madaming stall at sidewalk vendor (hindi naman daw ito ang Bicutan Market). Tinanong ko ulit ang manong kung saan ang eskwelahan, kamukat-mukat, hindi nya pa raw naririnig ang ganun. Hala! Patay na talaga. Bumababa na ako sa may tricycle, naghahanap ng yellow, as in tita Cory yellow. Pero wala. Kaya sumakay ako ng Puting Tricycle sabi ko sa eskwelahang Ma. Asuncion Rodriguez HighSchool (MRT-HS). Ibinaba naman ako sa eskwelahan, pero hindi naman sa MRT-HS. Ang tanong pa nga ng guwardiya sa akin: saan ba yan? Upper, Lower o Central Bicutan. Huwattt???? may ganun pa pala… hindi sapat na sabihin ang pangalan ng eskwelahan, may Upper, Lower at Central pa pala.

Matapos ang ilan pang napagtanungan, sabi ng isang mama sa isang building na hindi ko alam kung ano pero madaming pulang plakang kotse sa parking area, sa Upper area daw ang hinahanap kong eskwelahan (salamat naman at natukoy din) at nasa Lower kami. Suhestiyon niyang bumalik ako ng istasyon ng tricycle (dahil punuan na ang mga dumadaan na trike sa lugar namin) at sumakay ng gold na kulay. Huwattt??? gold? akala ko ba yellow…. hayyy… kaya naman pala, yellow-gold. Pero mas gold kaysa yellow. Kaya balik ako istasyon ng trike, sumakay, dinaanan ulit ang building ng mamang pinagtanungan ko hanggang makarating sa wakas sa Ma. Asuncion Rodriguez HighSchool. 7:30 ako umalis ng bahay, 10:30 na ako nakarating (well, halos, 10:30).

Pagkauwi, halos sabunutan ko ang sarili ko nang malaman na c5 lang maaari na akong pumunta ng MRT-HS. Hayyyy, c5 lang pala…

Sabagay, pagkalayo-layo man ng prusisyon, sa MRT-HS pa rin ang tuloy.

Sayang at iisang pelikula lang ang napanood ko sa Spanish Film Festival 2008 na ginanap sa Greenbelt 3.

« Newer Posts - Older Posts »