Feed on
Posts
comments

No doubt, there is a double standard in the assessment of a person’s mental condition among psychologists and psychiatrists; one for men and another for us, women. For a woman to be mentally healthy, she must obey, follow or  ‘adjust’ to  accepted behavioral norms given to her sex — passivity, obedience, self-sacrifice, lack of ambition; basically to forget one self  for others. (Phyllis Chesler 1972b cited in Elaine Partnow 1977, p. 442) Irritatingly speaking, these traits are somehow, well generally speaking, regarded as socially undesirable traits, but when associated to women, they seem attractive.

                

Looking at the masculine biased DSMII (Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders II) and DSM III, these psychiatric manuals has these lists of assumptions as to what healthy behaviors are and what behaviors are codified as crazy; these criteria are sooooo powerful that they influence the diagnosis and treatment rates and patterns of patients. But one may ask who voted for these lists? What are their backgrounds? How many are males vis-à-vis to females (although I must admit that their biology doesn’t necessarily imply their feminist consciousness)? Another important question would be what does the term impairment in social and occupational function mean? According to Marcie Kaplan, “these criteria contain assumptions and then generate diagnoses accordingly. For instance, is a woman unemployed outside the home impaired in occupational functioning? If a man is employed outside the home and thus never there when his children come home from school considered impaired in social functioning?” It is therefore assumed that ‘healthy individuals’ plays the traditional sex roles for them to be labeled as normal; those women who neglects their children and men who can’t hold down a job are considered and labeled impaired by their doctors. (Marcie Kaplan 1983, pp. 786, 788-9) Given the patriarchal nature of the DSM, she invented two ‘disorders’ based on stereotypical male traits. One is the Independent Personality Disorder (which characterizes love of work and career above personal relationships, traveling a lot and works long hours, makes career decisions without considering others’ needs, and is unable to express emotions) and the other is the Restricted Personality Disorder (which characterizes appearance of being self-assured, showing limited emotional expressions, resisting to answer other people’s needs, is stoic). (Ibid p. 791)

 

 

Clinically speaking, hysteria is one of those ‘medically associated disease’ exclusive to women.

 

Hysteria, interestingly, originated from the Greek words hystera and hysterikos, or womb, for it was believed then that this mental disorder, to which women were particularly subjected to, is caused by disorders of the womb. (Mary Ellmann 1968, p. 12 and Joanna Bunker Rohrbaugh 1979, p 397) On the other hand, the Womb is considered to be an orgiastic religious festival (yep it’s an orgy-aistic gathering) of the goddess Aphrodite in Argos, where the Womb of the Word was adored and symbolically ‘fructified.’ (Barbara Walker 1983, p. 431) The current medical definition of hysteria was coined by the father of the medical profession, Hippocrates, who thought that suffocation and madness arose in women whose uteri had become too light and dry from lack of sexual intercourse and, as a result, wandered upward, compressing the heart, lungs, and diaphragm. This theory was also used during by Renaissance period physicians who ‘scientifically’ explained that the womb sometimes became detached from its place and wanders about the inside of the body therefore causing uncontrolled behavior. (Ibid) To cure such an unfeminine behavior, women were subjected to sex toys and or to a hysterectomy, surgically removing the uterus.

Hag and Haggard

Hag originally means ‘Holy Woman,’ a cognate of the Egyptian word heg, a pred-ynastic matriarchal ruler who knew words of power, or hekua. (“Book of the Dead,” E.A. Wallis Budge, trans. 1960, p.351) It traces its roots to the Old English word haegtesse, the Old High German word hagzissa, which both meant ‘harpy and witch,’ or a ‘female demon,’ or an ‘ugly repulsive old woman.’ (“Heresies Great Goddess” Issue 1982, p. 129) It also formerly meant ‘an evil or frightening spirit’ or ‘nightmare.’ But one might ask though “‘Evil’ to whose definition? Frightening to whom? Whose nightmares?” (Mary Daly 1978, pp. 14-15)

 

It is also interesting to note that the words Hag, Hedge and Hex are related to the word wood. A hag woman of the woods, hence a witch, is an independent woman. (Varda One 1971)

**********************

Although the word Haggard denotes a person who is worn out or with fatigued appearance, this was not the original meaning of the word. Merriam-Webster described the word as ’intractable,’ ‘willful,’ ‘wanton,’ and ‘unchaste;’ all of which are now considered obsolete. Interestingly, if the word haggard is used to a hawk, it denotes ‘untamed.’ 

Mary Daly, true to her radical feminist background, reclaimed and redefined this word. She said, “(haggard women are) those who refuse to assume the woes of wooed women, who casts off these woes as unworthy of Hags. Haggard women are not man-wooed. As Furies, women in the tradition of the Great Hags reject the curse of the compromise.” (Mary Daly 1978, pp. 15-16) She further encourages women to write their own Hag-ography, a history of ‘women who are on the journey of be-ing, the lives of witches (not in the medieval, judeo-christian sense), of the Great Hags [a hidden history which is] deeply intertwined with our own process.’ And as we live and write our stories, as women, we are uncovering our own herstory, our hag-ography. (Ibid 1978, p. 15)

 

 

“Nacagayac … ng  barong pina, nahihiyasan ng mga sabog, at ang canyang maluluang na mangas  ang nahahayag sa mistulang linalic niyang manga bisig; naca-saya ng macambang sutla, na azul at putian ang mga guhit; nacatapis ng Macabebeng manipis, na lalong nagpadilag sa caniyang bay-uang na tumatauag ng pag-ibig; nacasaliig ng mapulang jusi, na pinapagsalicop sa tapat ng caniyang magandang  lalamunan ang dalauang dulo, ng isang mariquit na tusoc, at pinaquiquisap ng lalong  mahalagang “collar” o pang-liig na may mga perlas. Nahihiyasan ng hicao mestisang yari

ang caniyang maririquit na tainga; peineta at alpiler na brillanteng

 animo’y paro-paro, ang sumusupil sa malago at maitim niyang buhoc, at isang

magaang paquisap ang naglalaro sa caniyang noo…” (Paterno: p. 36-37)

 

 

            Ito ang suot ni Ninay, ang illustradong binibining bida ng nobela ni Pedro Paterno, sa isang pista sa Santa Ana, Maynila. Kung tutuusin, ang larawang ito ay hindi rin nalalayo sa karaniwang ayos / bihis ng mga Filipinang bahagi ng lokal na elite na nagpipilit na gayahin ang paraan ng pananamit ng mga Espanyol at iba pang mga Europeo noong papasok ang ikalabinsiyam na siglo. Nariyan at makikita ang mga binibining nakasuot ng binurdahang kamisa at alampay at saya na hanggang sakong na pinapatungan ng tapis; lahat ng tela’y gawa sa pinya. Ang ilan naman sa mga mas mapangahas na Filipina ay naka-empire cut at / o corte de jamon na sunod sa pinauso ng noo’y Emperatris ng Pransiya na si Josephine, naka-petticoats, habang ang ilan ay may suot na stockings. Popular rin ang paglalagay ng payneta sa buhok bilang aksesorya na sinasamahan pa ng ilan ng belo upang i-frame ang mukha, o ng itim na lasong may palawit at inilalagay sa leeg, at / o hindi mabilang na mga alahas at hiyas para sa iba’t ibang bahagi ng katawan.[1]

            Bagamat itinuturing ng iba bilang mga fashion victim ng kanilang henerasyon,[2] hindi matatawaran ang subersyong ginagawa ng mga babaeng ito sa Amang Espanya hindi lamang sa paglikha ng sariling fashion statement na taliwas at malayo sa kanluraning sensibilidad bagkus maging ng pagsuway sa mga Turo ng Amang Simbahan ukol sa angkop na pananamit, kilos, at gawi.

            Bibigyang pansin ng papel na ito ang diskurso ukol sa katawan ng babae bilang midyum / lugar ng kapangyarihan. Titingnan ang mga katawang ito na bagamat nasa ilalim ng gahum ng Amang Espanya at ng Amang Simbahang-Katoliko ay nagagawang kuwestiyonin, suwayin at hamunin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pokus sa mga kasuotan, kasama ang kilos at gawi, ng mga Filipina sa nobelang “Ninay,” ang pinakaunang nobelang Filipino. Batay sa subtitle na rin nitong “Ugali nang Catagalugan” (Costumbres Filipinas), balon ng diskusyon ang nasabing nobela ni Pedro Paterno dahil sa itinuturing ang nasabing babasahin bilang hanguan ng mayamang kultura / kaugalian / kostumbre ng mga Filipino lalo na noong huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo.  

Kung tutuusin hindi nalalayo ang nakagawiang proseso ng pagbabasa ng panitikan sa proseso ng pagtingin na nagaganap sa lipunan. Parehong nangangailangan ang mga prosesong ito ng “tagatingin” at “tinitignan”. At dahil patriyarkal nga ang lipunan, hindi kataka-taka na madalas, ang binibigyang-pribilehiyo na magbasa at tumingin ay yaong mga lalaki, samantalang mga babae naman (madalas) gumaganap sa papel na tinitignan.[3] Dahil dito, nangangahulugan na ang nabubuong imahen ng babae sa loob ng patriyarkal na lipunan ay labas sa kanyang persepsyon sa sarili bagkus ay nakabatay sa pantasya at pangangailangan ng mga lalaki, nakabatay sa larawan na gustong makita ng mga lalaki.[4] Pinatutunayan lamang nito na, una may pulitika sa pagitan ng mga kasarian (dahil sa binibigyang-prebilehiyo at kapangyarihan nito ang isang grupo kumpara sa iba), pangalawa, pinapakita rin na ang paraan ng pagbasa at pagtingin ay hindi nyutral na gawain. Kung saan ang mambabasa ay maaaring para sa hegemoniya o laban dito, maaring tagapreserba ng nananaig na sistema o tagabuwag ng kasalukuyang kaayusan.

Subalit, bagamat may nananaig na gahum at kaayusan na pumapabor sa Batas ng Ama, hindi naman ito pikit matang tinatanggap na lamang. Bagkus, sa loob rin nito mismo ay may umuusbong na isang kontra-hegemoniya, isang bagong paraan ng pagpapahalaga at pagbasa na naglalantad at tumutunggali sa kasalukuyang patriyarkal na kaayusan. Ito ang pagbasang gamit ang mata ng malay na Filipinang Feminista.

Maraming mahahalagang konsepto ang nakapaloob sa paraan ng pagbasang ito na kailangang himay-himayin at talakayin. Una ay ang salitang pagbasa. Gaya ng alam natin, hindi literal ang ibig pakahulugan sa salitang ito. Hindi ito simpleng “pagpasada o pagtunghay at pag-unawa sa mga nakasulat sa teksto,”[5] bagkus inaanalisa at sinusuri nitong mabuti ang isang akda, gamit ang iba’t ibang makaluma at makabagong mga lapit, dulog o teorya. Pangalawa ay ang salitang malay na maaaring itumbas sa pagiging “mulat” o bukas ang mga mata. Kung saan, sa pamamagitan nito, mas nakikita at nagiging sensitibo ang mambabasa sa ilang mga detalye sa loob ng teksto. Sa partikular, napupuna at napagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay na dati’y naisasantabi, mas nagiging kritikal, matanong at mapag-usisa. Sa madaling salita, hindi basta-bastang tinatanggap na “natural” at “unibersal” ang iba’t iba at samut-saring dibisyon at hirarkiya na nagaganap sa lipunan, — sa pagitan ng lalaki at babae, mayaman at mahirap, Unang at Ikatlong Daigdig (at iba pa) — bagkus isang pumapalag na mambabasa na naghihimay-himay sa mga konseptong nakapaloob sa teksto.

Sa partikular, babasahin ang akda ni Paterno batay sa karanasan at posisyon ko sa lipunang aking ginagalawan na nakaaapekto sa paraan ng aking pagsusuri at pagbibigay-kahulugan ng mga tekstong aking binabasa. Ito rin ang dahilan kung bakit ikinakabit ang pariralang Filipinang Feminista sa paraan ng pagbabasa. Gaya ng nabanggit na, iba-iba ang feminismo. Hindi ito iisa o homogenous na grupo, kung kaya, ang konseptong Filipina sa paraan ng pagbasa ang magbibigay rito ng pekularidad. Binubukas rin nito ang isa sa marami pang posisyon at karanasan ng feminismo — ako bilang isang babaeng feminista na mula sa Ikatlong Daigdig at may ideyolohiyang maka-Ikatlong Daigdig. Importanteng banggitin ang ganitong katauhan ng babasa dahil hindi naman awtomatikong mapagpalaya ang kaisipan ng isang babaeng mula lamang sa Ikatlong Daigdig. 

Magiging tuntungan ng pagbasang ito ang iskemang istrakturalista / post-istrakturalista na madalas gamitin ng mga naunang feminista sa pagsusuri ng anumang teksto.

Ayon kay Robert Scholes, isang istrakturalista, “lahat ng makabuluhang salita at aksyon ay mga signs na maaaring basahin at bigyan pa ng ibang interpretasyon ng mambabasa batay na rin sa istabilidad ng signifier (aking salin).” Dagdag pa niya na ang kahulugang ibinibigay ng mambabasa sa mga signs ay “binabatay (din) naman sa kultural at institusyunal na koda (aking salin).”  Ibig sabihin, kung lalangkapan pa ang pagbasang ito ng feministang dulog, nangangailangang pag-aralan at maging sensitibo ang mambabasa sa mga koda na may kaugnayan sa babae-lalaki, pagkababae-pagkalalaki ng lipunan.[6]

Sa kabilang banda, mas pinalawig pa ni Jacques Derrida, isang post-istrakturalista, ang mga naunang pag-aaral ng mga istrakturalista ukol sa wika at panitikan. Hinihikayat niya ang bawat mambabasa na interogahin o usisain ang teksto at ilantad ang mga nakatago nitong kahulugan (deconstruction).[7] Ayon pa kay Pierre Macherey, hinihingi na maging sensitibo ang mambabasa sa mga hindi binabanggit at sinasabi, sa mga puwang sa loob nito, dahil maraming sinasabi ang katahimikan. Nangangahulugan na, hinihingi na ilagay sa sentro ng diskusyon ang mga dating nasa gilid at tabi-tabi lamang. Dahil dito, walang iisang kahulugan na malilikha ang isang teksto at walang sinuman ang maaring pagmulan ng tamang kahulugan nito. Dagdag pa, binibigyan-kapangyarihan at kalayaan rin ang bawat mambabasa na magbigay ng kahulugan, na nakadepende sa perspektibong kanilang pinanggagalingan.[8]

Gagamitin din ang diskurso ng mga feministang Prances kagaya nina Helene Cixous, Luce Irigaray at Julia Kriteva; lahat ay tumatalakay sa politika ng katawan. Sinasabi nilang ang katawan ay hindi isang nyutral na espasyo; maaari itong maging lygar ng kontrol o opresyon, partikular ang katawan ng babae batay pa sa mga naunang mga diskurso, subalit maaari rin itong maging lugar upang tunggaliin ang gahum na kumokontrol rito.[9] Dagdag pa rito, magiging tuntungan rin ang ilang mga naunang pag-aaral sa Pilipinas na bumabasag sa nakaugaliang paraan ng pagsusuri ng isang teksto, katulad ng librong “Gentle Subverions” ni Cristina Pantoja-Hidalgo.[10] Isa pa ay ang ginawang “muling pagbasa” kay Doña Consolacion ni Albina Pecson-Fernandez sa kanyang disertasyon, na malayo na sa naunang ideya ng awtor.[11]

Sa gitna ng gahum ng patriyarkal na simbahang Katoliko, ilalantad ang samut-saring Tanda ng Santa Cruz sa kasuotan ng mga Filipina; kaugnay rin nito, hahanapin at titingnan ang mga tahasan at di-tahasang subersyon at / o pagpalag ng mga babaeng tauhan sa itinuturo / bilin ng Ama (isama pa rito ang sa bana, kuya, tito at lolo). Mga subersyon na palatandaan ng hindi buong-buong pagsunod at pagyakap sa mga utos at bilin sa simbahan. Sa kabilang banda, dahil na rin sa mga ilustradong babae lamang ang karamihan at inilalarawan sa nobela, resulta na rin marahil ng buhay-illustradong kinamulatan ng manunulat nito, hindi mabibigyang pansin ang buhay ng mga nasa hanay ng uring paggawa. Magkagayon man, maituturing na isang kontribusyon ang pag-aaral na ito na naglalayong sumuri gamit ang feministang mata sa akda ng isang lalaking manunulat. Dagdag pa rito, sinisikap nitong bigyang pokus hindi lamang ang tahasan bagkus maging ang mga di-tahasang subersyon ng iba’t ibang babaeng tauhan at umalis sa nakagawiang pagbasa na umiikot lamang sa dikotomiya ng virgin-vamp na diskurso.

Sa kabuuan, gagamitin ang mata ng isang malay na Filipinang Feminista bilang pangunahing diskurso sa pagbasa sa nobelang “Ninay” ni Pedro Paterno, na nakaangkla sa posisyon at karanasan ko bilang tagapagbigay ng kahulugan at nagbabasa ng teksto. Isa itong pagbasa na pumupuna at nagbibigay-tuon sa mga bagay na madalas ay naisasantabi. Isang paraan ng pagbasa na hinihikayat ang pagtatanong at pagiging mausisa sa iba’t iba at samut-saring dibisyon at hirarkiya na nagaganap sa lipunan. Sa partikular, hinihimay-himay at inilalagay ng pagbasang ito sa sentro ng diskurso ang iba’t ibang mukha ng mga babaeng tauhan. Ilalahad din hindi lamang ang kanilang mga tahasan pakikipagtunggali sa “Batas ng Ama” bagkus, maging ang kanilang mga di-tahasang subersyon na bahagi ng maliliit na hakbang upang kuwestiyon at baliin ang ipinag-uutos at kumbensyon na itinatakda ng patriyarkal na lipunang Pilipino na hahamon sa patriyarkal at kolonyal na kaayusan.

 

           

Ang Pagbibigay-Tanda sa Santa Cruz: Sa Ngalan ng mga Turo ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo

Kasunod ng sistemang reduccion na ipinatupad ng Kolonyalistang Espanyol sa bansa, ang pagigiit din ng pagkontrol sa katawan ng bawat Filipino, partikular ng kababaihan. Sa pamamagitan ng patriyarkal na simbahan na naging pangunahing instrumento sa pagsakop, itinuro nito ang samut-saring dapat at di-dapat gawin ng mga Filipina, mula sa kanilang kasuotan, kilos at gawi; sa tulong ng bagong relihiyon, layunin diumano nitong tulungan ang “mga nawawalang mga tupa” patungo sa katuwiran at tama.

Sa loob ng mga parokyal na paaralan at pormal na edukasyong kapwa kontrolado ng mga simbahan, itinuturo ang katesismo at mga ang manual de urbanidad[12] na ibinatay sa konsepto ng sibilisasyon ng Pamahalaang Kastila na magiging tulay upang unti-unting pumasok sa kamalayan ng bawat bagong binyagan. Sa proseso ng pagbabago sa sistema ng pamamahala sa bansa, nagbago na rin sa ang panlabas na mukha at bihis ng mga Filipino.

Ilan sa mga paraan upang kontrolin ang katawan ng kababaihan ang mga librong katulad ng “Doctrina Cristiana,” mga sermons, at maging ng librong katulad ng “Urbana at Felisa” (1864) ni P. Modesto De Castro. Sa mga babasahin, imahen ng Birheng Maria, nakabelo at balot ang katawan, at iniuugnay sa pagiging kimi at matiisin, ang naging mukha at huwaran ng bawat binyagang Filipina.

            Sa nobelang “Urbana at Felisa” (UF) halimbawa, sa pamamagitan ng naratibo nitong pagpapalitan ng liham ng dalawang magkapatid na babae, malinaw na inihahayag na kinakailangang manamit ng disente at mayumi ng mga babae ng disente; kailangan nilang iwasan ang magagarbo at mapanuksong kasuotan. Ang mga damit na may maluluwag na neckline, o di kaya’y maiiksi at maninipis (yaong walang mga panloob) ay hindi dapat isuot. Ayon pa sa UF:

 

                        “Ang maluwang na bilog, ang mamaro nang maikli, ang babaeng

di marunong mang-ingat ng kanyang kilos ay parang itinatanyag ang katawan

sa mata ng tao.” [13]  

 

Sa katunayan, ipinapayo na maging sa loob ng mga pribadong espasyo o kahit nag-iisa  sa loob ng mismong silid, kailangan nilang (mga babae) magtakip at magbihis nang naaayon. Sinasabing kailangan itong gawin bilang pag-iingat kung saka-sakaling may ibang taong biglang napadaan. Kahit pa naliligo (sa ilog nang mag-isa) kailangan pa rin niyang maging balot.[14] 

            Kaugnay ng paraan ng pananamit, hindi rin maiiwasan ang pagpayo sa angkop na kilos at galaw. Itinuturo ang paglalakad nang diretso na ang mata’y nasa harap ng nilalakaran at hindi palinga-linga, ang pangangailangan ng tuwid na katawan sa pagtayo at hindi payuko-yuko, paliyad-liyad o ang paggalaw-galaw ng paa na animo’y manok na kumakahig ng lupa. [15]

            Sinasabing ang mga turong ito na may kaugnayan sa panlabas na anyos, kilos at gawi ay para rin o may kaugnayan sa pagiging banal o malinis ng kaluluwa. Kung saan ang “ang kahusayan at kalinisan ng asal ay salamin ng kalinisan ng kaluluwa.”[16] Kung kaya naman, samut-saring mga batas, utos at turo ukol sa katawan ng binyagan upang protektahan ang kaluluwa at nang ito’y hindi magkasala. Nariyan ang mga wastong gamit ng mga mata, tainga, bibig (at iba pa) upang hindi magkasala. Halimbawa, para sa mata, hindi dapat tumingin sa mga bagay na madumi, malaswa at makasalanan, hindi dapat tumitig o kumindat o kahit tumingin kung hindi naman kinakailangan. Para naman sa tainga, hindi dapat makinig ng mga kasinungalingan, ng mga tsismis at maging ang pakikinig (kahit pa hindi intensyon) ng anumang masamang salita. Ganoon din ang bibig, kailangan nitong mag-ingat sa walang kapararakang pagsasalita, sa pagtsitsismisan o sa hindi kaaya-ayang pagtawa. Ipinagbabawal din ang pagkain ng karne o pagiging matakaw tuwing araw ng Biyernes. Kailangan ding maging maingat sa pag-iisip; hindi tamang malunod sa pananaginip nang gising at sa pagliliwaliw ng isipan. Kung kaya naman upang mapaglabanan ang mga ito, kailangang magdasal at gawing abala ang sarili nang hindi magkasala.[17]

Idagdag pa rito ang pagbibigay-diin ng UF sa pag-iwas sa tukso at posibleng ‘panganib’ ng mga babae. Hindi sila dapat lumalabas ng kanilang bahay na walang kasama, hindi sila dapat makipagkita sa kanilang manililigaw nang mag-isa lamang:

 

“Cun ang isang dalaga ay naquiquipag-usap nang lihim sa bagumtauo.. ay di dapat ipahintulot na ang anac na dalaga ay gumamit nang badeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama o ina, mga panganga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang iningat na mahal na asal ay capilitang bubuhatin ang camay o paa, iguihuilos nang masama lalo,t, cun na sa dilim.

Hindi man paghamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin nang sabi: ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi magaling.” (de Castro, p. 125)

 

 

Isama pa sa listahan ang pagbabawal sa pagdungaw sa bintana nang matagal na halos ibinabalandra ang sarili sa publiko:

 

“Huwag tulutang mamintanang palagi, sapagkat ang dalagang namimintana,

ay kaparis nang isang buwig ng ubas, na bibitin-bitin sa sanga sa tabi ng daan na

nag-aanyayang papitas sa sinumang makaibig.”

 

Sinasabi ng mga turong ganito na hindi sapat na birhen ang isang babae, bagkus kailangan niyang magmukha parang dalisay sa mata ng iba.  

            Paulit-ulit na binibigyang diin mismo sa mga sermones na isinulat nina Fray Juan de Oliver Francisco at Blancas de San Jose OP ang turo ng simbahan sa kahalagahan ng pagiging dalisay, ng pagiging birhen. Upang kumbinsihin ang kahalagan nito, ikinumpara ito ni Oliver sa iba’t ibang kalidad ng ginto; ang pinakadalisay bilang metapora ng pagiging birhen. Ginamit ng prayle ang metapora dahil tiyak na makikilatis ito ng mga sinaunang Tagalog dahil sa pagbibigay-halaga ng mga ito sa ginto.[18]  Dagdag pa rito, ikinumpara naman ni Fray Blancas de San Jose ang pagiging hindi birhen sa putik, sa dumi. Sa pamamagitan nito, hindi lamang naibabahagi nang tuwiran ang turo ni San Pablo (Rom 1:24-27) bagkus, sa pamamagitan ng paggamit rito bilang metapora, posibleng maiugnay ang putik sa karansan ng mga baging binyagan tuwing nagdaraan sila sa kanilang mga taniman at palayan. [19]          

Sa kabuuan, hindi maitatanggi na ang mga turo ng Simbahan ang naging pundasyon ng mga komunidad ng mga bagong binyagan sa ilalim ng kontrol ng patriyarkal at kolonyal na order.

 

 

NINAY: Isang Muling Pagbasa

Lumilikha ng marka ang nobelang “Ninay: Costumbres Filipinas” sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa pagiging pinakaunang nobelang isinulat ng isang Filipino. Maituturing ito bilang isa sa mga ambag ni Pedro A. Paterno (1857-1911), isang ilustradong nakapag-aral sa Universidad de Salamanca at Universidad Central de Madrid, sa Kilusang Propaganda sa Espanya. Isinulat ito sa Wikang Espanyol at unang inilimbag noong 1885 sa Espanya. 

Sinasabi ng mga iskolar na isa sa pangunahing layunin ng akda ay ipamukha sa mga konquistador ang mayamang kalinangan ng Pilipinas. Bagamat hindi nakalikha ng kasinlaking ingay kumpara sa “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal[20], makakukuha, gamit ang sosyolohikal na dulog, ng mayamang panlipunang mga kaugalian, ritwal, tradisyon at mga gawi ng mga Filipino noong siglong iyon. 

            Sa unang tingin mistulang sala-salabat na kuwento ng sawing pag-iibigan ang “Ninay.” Nariyan halimbawa ang nausiyaming pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan na sina Ninay at Carlos dahil sa bulag na pag-ibig ni Federico Silveyro kay Ninay at ni Pilar kay Carlos. Idagdag pa ang hindi rin naging masayang katapusan ng pagsasama ng nagtanang magsing-irog na sina Berto at Loleng dahil kay Don Juan, ama ni Federico. Nariyan din ang makaisang panig lamang na pagmamahal ni Tik kay Carlos at madami pang iba. Subalit, gaya nga ng nabanggit na, kailangang basahin na higit sa formalismo at romantikong tradisyon ang nobela, o maging sa sosyolohikal na dulog. Maaring basahin ito gamit ang feministang lente; isang lente na lumalabas sa nakagawiang feministang pagbasa na lulong sa pagpapatingkad sa mga magkatunggaling imahen ng babae: ang virgin-vamp na dikotomiya. Gagawin ito upang makita ang iba’t ibang Tanda ng Santa Cruz at ang di-tuwiran at personal na mga subersyon ng mga babaeng tauhan ng nobela; mga hindi maisasantabing maliliit na hakbang ng pagsuway.

Sa unang tingin, batay na rin sa pananamit, kilos at galaw ng mga babaeng tauhan, batay na rin sa pagkakalarawan ng misonohistang mata ng tagapagsalaysay, animo’y buong-buong niyayakap ng mga babaeng tauhan ang mahigit 200 taong turo ng Simbahan. Halimbawa na lamang ay ang pagpapakilala sa pangunahing tauhang si Ninay. Sa simula pa lamang ng papel na ito, ipinakilala si Ninay bilang isang babaeng nakabihis ayon sa ipinag-uutos ng simbahan: balot ang buong katawan, hindi sumisilip ang anumang balat sa ipinagpatung-patong na mga damit. Bukod pa rito, inilarawan siya bilang palasimba, mayumi, at hindi nahihilig sa mga sayaw[21]. Subalit ang babaeng ehemplo ng pagsunod at pag-Amen ay pumapalag sa turo ng simbahan.

Unang-una, isang malaking kabalintunaan ang magarbong kasuotan ni Ninay na tumatawag ng pansin sa kalalakihan. Isang kasuotan na kung babalikan ang turo ng simbahan ay isang kasalanan. Kasalanan, hindi lamang dahil sa ipinagbabawal ng Simbahan ang luho at garbo ng pananamit bagkus dahil kumukuha siya ng atensyon. Pinaaalalahanan mismo sa “Lagda,”ang kababaihan na manumit nang angkop at na huwag mahumaling sa mga materyal na bagay. Binigyang-diin pa ito sa mga akda ni Antonio Claret sa pagsasabing dapat maging huwaran ang Birheng Maria, na sa kanyang buhay ay nagmamay-ari lamang ng dalawang simpleng tunic, na bumabalot sa kanya mula ulo hanggang paa, at belo.[22]

Kung babalikan rin ang paglalarawan ng patriyarkal na mata, ang tagapagsalaysay, sa kasuotan ni Ninay, “… nacatapis ng Macabebeng manipis, na lalong nagpadilag sa kanyang bay-uang na tumatawag ng pag-ibig… (aking diin),” kapansin-pansin ang tono ng pagkaakit kahit pa balot na balot si Ninay. Kung maaalala rin, itinuturo ng Simbahan ang angkop na pananamit, lalong higit sa kababaihan, upang makaiwas din sa pagkakasala ang iba. Binibigyang diin mismo ng ika-siyam na Utos ng Diyos na “ang sinumang tumingin sa babae na may malisya at laswa ay nagkakasala[23] (aking salin).” Kung kaya, ang kakanyahan ni Ninay na akitin (kahit di sinasadya), sa tulong pa ng kanyang kasuotan, ang patriyarkal na mata, ang gayuma at / o kapangyarihan niyang magdulot ng pansamantalang pagtalikod ng iba sa turo ng Simbahan.

Kung tutuusin, sa likod ng kanyang pagiging ‘ideyal’ sa harap ng madaming tao, sa kanyang mga pribado at personal na espasyo ay tinatalikuran (kahit pansamantala) ang mga bilin ng Simbahan at ang imahen ng kahinhinan at kayumihan. Nariyan halimbawa ang kanyang pag-iisip na naging mabuti ang kapahamakang muntik nang idulot ng dahong palay dahil naging daan ito (ayon na rin sa kanya) upang ibukas ng kanyang mga magulang ang kanilang bahay kay Carlos (Paterno, p.29-30); nangangahulugan kasi ito na mas magiging madalas ang kanilang pag-uusap. Ayon rin mismo sa kanya, minsan na niyang minamalas ang mukhang matamis at maganda ng lalaking iyon (si Carlos) (Paterno, p. 41). Idagdag pa ang mga panahon at sitwasyon na pinapayagan niyang mapag-isa sila ni Carlos sa halaman. Minsan pa nga, habang nakaupo sa lilim ng mangga, doon sila “nag-uulayaw… at nagtititigan.”  Dagdag pa rito, hinayaan niyang idampi ni Carlos ang labi nito sa kanyang noo, at bagaman inilarawan bilang “mistulang nahihiya,” hinayaan niyang “tumakbo sa kaniyang mga ugat ang isang di mawaring damdamin…. Ang apoy ng pag-ibig na nagpapalablab” hanggang sa “nakikita sa kanyang mukha ang dugong walang pagkasiyahan” (Paterno, p. 51-52).

Makikita sa mga eksenang ito ang hindi iisang beses ng pagkalimot ni Ninay sa mga bilin ng Simbahan. Turo ng simbahan ang malinis na isip, at ang pag-iwas sa mga sitwasyon na mapanukso na magdudulot ng ‘kapahamakan.’ Unang-una ay ang ‘wastong gamit’ ng mga mata. Sinasabing kung kailangang hindi tumingin, huwag tumingin.[24] Bilin din mismo ni Padre Modesto de Castro sa “Urbana at Felisa” na huwag makikipagkita ang babae sa lalaki kung wala ang kanyang mga magulang dahil sa inilalagay niya ang kanyang sarili sa isang sitwasyon na ikapapamak niya. Dagdag pa rito, sinasabi pa ni Claret, na sinipi niya kay San Alfonso de Ligorio, isang malaking kasalanan para sa lalaki at babae na mag-usap lalo na sa madidilim na lugar; kahit pa ikakasal na, hindi mabubura nito ang kasalanang kanilang gagawin. [25] Kung kaya naman ang pakikipagkita ni Ninay kay Carlos sa lilim ng mangga, ang pakikipagtitigan niya rito,maging ang pagpayag niya sa pagdampi ng mga labi ni Carlos sa kanyang noo na humantong sa kanyang mga ‘maiinit na nararamdaman’ ay isang mortal na kasalanan para sa mata ng Simbahan. Kung tutuusin, bilin pa ng simbahan na “cun sacaling pangahasan ca nang malicot nilang camay, cun sa iyong sarili, i, di ca nagbigay ng dahilan, at uala cang daan sa pagtatanggol, ay mangyayaring pagbuhatan mo sila nang camay na di mo ipagcacasala, bagcus ipagcacapuri mo pa sa harap nang Dios at nang calahatang tauo (Claret, p. 16).” Subalit makikita nating pinili ni Ninay na makipagtagpo nang mag-isa, hindi sinampal ang kasintahan at sa katunayan ay hindi pa nagdalawang-isip o pumalag nang hilahin ni Carlos sa may gawing yungib; sa katunayan si Carlos pa mismo ang nagdalawang isip at umiwas pagkakita sa imahen ng Birhen Maria (Paterno, p. 52).

Dagdag pa rito, nagawa rin niyang dumungaw sa bintana ng kanyang silid na naging dahilan upang masaksihan ang away-lalaki at ang pagkamatay ni Federico sa kamay ni Berto (Paterno, p.78). Ang pagdungaw na kanyang ginawa, na hindi sinasang-ayunan dahil sa kinokonsidera itong pag-display sa publiko, ay nakapagdulot pa nga kay Ninay ng bagong karanasan at kaalaman: ang impormasyon na patay na si Federico.     

Sa kabilang banda, hindi rin matatawaran ang isa pang porma ng subersyon ni Ninay; ang dalagang relihiyosa at palasimba ay nagbigay ng singsing, isang anting-anting na ipinamana sa kanya ng kanyang angkan, sa kanyang sinisintang si Carlos bilang patunay ng pag-ibig (Paterno, p. 51-52). Kapansin-pansin na bagaman matutukoy na matagal nang itinatago ni Ninay ang singsing at matagal na rin niyang alam na may natatangi itong kapangyarihing supernatural, itinatago pa rin niya ito. Sa pamamagitan nito, sinusundan niya ang tradisyon ng matandang pananampalataya ng mga babaylan na nagbibigay ng pananggalang sa mga tao. Ang pagbibigay niya nito sa kanyang kasintahan na mahihiwalay sa kanya at ang mismong pagbanggit na anting-anting ito, ay tanda na naniniwala siya sa bisa nito na ililigtas ang kasintahan sa anumang kapahamakan.  

Sa kabuuan, ang kapangyarihan ni Ninay ay ang kakanyahan niyang magbalat-kayo o pagkakaroon ng dalawang-buhay (double life); imahen siya ng yumi at ganda sa harap ng maraming tao na nagdudulot sa kanya ng kapangyarihan upang makapamuhay ng ‘normal,’ walang pandarahas at mga taguri (labels), subalit sa likod ng imaheng ito ay isang Ninay na kumakawala at pumapalag sa turo ng Simbahan.

Hindi rin matatawaran ang iba pang mga subersyon ng mga babaeng tauhan sa nobela katulad nina Pilar, Loleng at Margarita Buisan.

Maituturing naman ang ulilang si Pilar bilang ay isang babaeng maparaan. Ang ibig niya ay ibig niya. Kung kaya naman nang matipuhan ang lalaking si Carlos samut-saring paraan at iskema ang kanyang ginawa para maangkin ang lalaking pinakagusto (Paterno, pp. 35, 57). Inilarawan rin siya bilang babaeng humaling na humaling, “walang sumasakaniyang guniguni kundi ang mahalina sa paggiliw kay Carlos at ang pag-iisip ng paraang ikapaghihiwalay ng 2 nagkakaibigan” (Paterno, pp.38-39). Inggit at mga layaw ng katawan ang kanyang subersyon sa Simbahan na nagtuturong bahagi ang mga ito ng pitong mortal na kasalanan. Turo ng Simbahang maging abala dahil baka manahan rito ang demonyo, subalit makikita natin si Pilar na walang ginagawa, bagkus ay abala lamang sa pag-iisip hindi ng mga ‘makasariling’ mga paraan at maging ng mga imahen ni Carlos. 

Sa unang tingin, maaaring basahin ang aksyon niyang ito bilang pakikipag-agawan at / o tunggalian sa kapwa babae (si Ninay) para sa atensyon ng isang lalaki (si Carlos); kung gayon ay mapanghati. Subalit sa dulo ng nobela, ipapakita ang pagbabalik-loob nila ni Ninay sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanyang paghingi ng ng patawad rito (Paterno, p. 98-99). Sa pagkakataong ito, mas nanaig ang ‘pagkakapatiran ng kababaihan’ (sisterhood).

Sino rin ang makakakalimot sa tahasang pagsuway ng kaibigan ni NInay na si Loleng sa bilin na sumunod sa imahen ng Birhen? Si Loleng na imahen rin ng masunuring dalaga, palasimba, mapagmahal na anak sa magulang (atbp) ay nagawang magtanan sa kasintahang si Berto (Paterno, p. 31). Sa eksenang ito, tuluyan nang tinalikuran ni Loleng ang sermones ukol sa pagiging ‘dalisay, basal at malinis’ bago pa pumasok sa matrimonyo. Sa katunayan, ang kanilang pagsasama ni Berto ay hindi kailanman binasbasan ng Simbahan, kahit pa ng kanilang mga magulang. Naging saksi lamang ang bawat isa sa kanila, kasama ang mga palayan na kanilang dinaanan at ang kuwebang kanilang tinuluyan sa kanilang pagmamahalaan (Paterno, p. 44).

Kung tutuusin, simbolikal pa ngang maituturing ang yungib na kanilang naging kanlungan. Sa ilalim ng pamamalakad ng mga pyudal na kongkistador sa Pilipinas, bilang bahagi ng pagpapakilala ng bagong relihiyon, ito rin ang naging kanlungan ng mga babaylan at catalonan, ng mga bruha, mangkukulam at mambarang sa diskursong Espanyol, nang sila’y tinaguring kampon ng mga demonyo at pinagsusunog ang kanilang mga anito at lugar-sambahan; Kung kailan ang kagubatan at kweba ay napalitan ng mga (nag)lalaki(hang) mga edipisyo, ang mga simbahan at torre, ang simbolo naman ng phallus.

Panghuli hindi rin makakalimutan si Margarita Buisan, ang tiya ni Ninay at may-ari ng bahay na pinagdausan ng pasiyam. Inilarawan siya bilang isang babaeng: “sinasabing dating nagtitira sa mga bulubundukin ng Mapisong at sinusunod niya ang hatol ng mga Catalonan, at naparoon upang gamutin ang kanyang pamangkin noong may sakit ito” (Paterno, p. 90). Sa pamamagitan niya, muling ibinabalik ang imahen ng babae bilang manggagamot ng kanyang komunidad, katulad ng mga ginagawa ng mga babaylan at catalonan, nang magkasakit ang pinakammahal na pamangkin.

Inilarawan rin siya bilang “naniniwala sa mga dating pamahiin ng bayan, lubos siyang sumasalampalataya sa mga hula ng mga seserdotista, at gayon sa mga pagsamab ng mga anito, bagamat siya’y may mga panatang pacandili sa mahal na Birhen, at naniniwala rin sa kahalagahan ng pagsakop sa Diyos sa sangkatauhan” (Paterno, p. 97). Siya ang nagbigay ng anting-anting kay Ninay bilang pananggalang, at siya rin ang nagpapatuloy ng sinaunang ritwal ukol sa patay nang dinaos ang pasiyam sa kanyang bahay.   Maaalala na noong hapuna’y may isang upuan sa mesa na bakante at na ang pinggan sa tapat nito’y may takip na dahon ng balete, ito diumano’y nakalaan para sa namatay, tanda ng pag-alala sa kanya. Nariyan din ang napakamaraming mga bulaklak sa altar, nakalatag na banig na sinabuyan ng abo at ang napakaliwanag na kabahayan. Lahat ng ito’y ritwal para sa pagsalubong sa patay na diumano’y bumibisita sa ikasiyam na araw ng kanyang kamatayan. [26] Mahihinuha sa napakaikling eksenang ito ang malayo na sa hinagap ng madaming kontemporanyong Filipino sa ritwal ng mga babaylan; bagamat hindi maitatangging ang ilan sa mga ito ay ginagawa pa rin sa kasalukuyan. Sa kabuuan, isa si Margarita sa buhay na patunay na hindi lubos na niyakap ng mga binyagang katutubo ang turo ng Kristiyanismo; isang pagbingi-bingihan sa matagal nang iniuutos ng Simbahan na kalimutan ang ‘mala-demonyong’ mga gawain.     

 

 

Pagtatapos:

            Kung susumahin, bagaman hindi maitatanggi ang lawak ng gahum ng patriyarkiya sa kasuotan, kilos, gawi at pamumuhay ng mga Filipina, partikular ng mga kababaihan, noong ikalabinsiyam na siglo, hindi maisasantabi rin ang samut-saring subersyon, tuwiran man o hindi, na ginawa ng mga babae. Nangangahulugan na ang katawan, partikular ng babae, na madalas ituring bilang lulan ng opresyon at ng patriyarkal na kontrol ay maaaring ring maging midyum ng kanyang kalakasan.

Sa pagbasang gamit ang Mata ng Isang Malay na Filipinang Feminista, muling binalikan ang buhay at karanasan ng ilang mga babaeng tauhan sa nobelang “Ninay,” sina Ninay, Pilar, Loleng at Margarita Buisan. Sa pamamagitan nito, binigyang pansin ang kanilang mga pagpalag at pansamantalang pagkalimot sa utos / bilin ng Ama; Dagdag pa rito, tinalakay na ang animo’y pagsunod sa itinuturong angkop na kilos, galaw, pagsimba, pakikitungo sa kapwa (partikular sa kalalakihan), at maging ang angkop na kasuotan, ay hindi sapat na patunay ng lubusang pagsang-ayon at pagyakap sa turo ng Ama. Bagkus maituturing itong iskema upang linlangin ang gahum, magpanggap na sumasang-ayon upang makapamuhay ng walang pandarahas, subalit sa mga pribado at personal na espasyo ay gumagawa ng kabaliktaran ayon sa inaasahan.

Pinahahalagahan ng pagbasang ito ang mga nasa personal na lebel na pagkilos at pagpalag ng mga babaeng tauhan, na bagaman itinuturing na maliliit na hakbang lamang (para sa iba) ay hindi makaiilang maaaring pagmulan ng mga daluyong na tutulong sa pagtalikod (pansamantala o tuluyan) sa sistemang patriyarkal. Dagdag pa rito, nagsisikap ang paraan ng pagbasang ito na basahing muli ang mga akda ng mga lalaking manunulat gamit ang feministang lente at makaalpas sa patibong ng virgin-vamp na diskurso.

            Sa kabuuan, walang ilusyo ang pananaliksik na ito na bumuo ng isang pambansang kritisismo ukol sa kasarian (dahil sa binubuo pa lamang ito). Magkagayon man, maaaring makaambag ang pag-aaral na ito sa diskurso ukol sa pulitika ng katawan, sa pagpapaunlad at pagpapatalas sa kritisismo at  intelektwalissasyon ng usaping ito.

 

 

 

 

SANGGUNIAN:

________________. Doctrina Cristiana 1991 ed. Manila: National Historical Institute, 1991.

Almario, Virgilio etal. UP Diksyunaryong Filipino. Quezon City: UP Press, 2001.

Arriola, Fe Maria, ed. The Body Book. Quezon City: GCF Books, 1993.

Bowring, Sir John. A Visit to the Philippine Islands. Maynila: Filipiniana Book Guild, Inc., 1963.

Camagay, Ma. Luisa. Working Women of the 19th Century. QC: UP Press, 1995.

Cruz, Eric. The Terno: Its Development and Identity as the Filipino Women’s National

Costume. Quezon City: UP CHE, 1981.

 

Cruz, Jose M. ed. Pulong: Sources for Philippine Studies: Declaracion de la Doctrina

                Christiana en Idioma Tagalog. Quezon City: Ateneo de Manila University Press,

1995.

Datuin, Flaudette May. Home Body Memory. Quezon City: UP Press, 2002.

De Castro, Modesto. Pagsusulatan ng Dalauang Binibini na si Urbana at Felisa, inedit

ni Romulo Baquiran Jr. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino, 1996. 

De Guzman-Odine ed. Body Politics: Essays on Cultural Representations of Women’s

                Bodies. Quezon City: UP CWS. 2002.

Demetrio, Francisco etal. The Soul Book. Quezon City: GCF Books, 1991.

Eagleton, Terry. Marxism and Literary Criticism. California: University of California Press, 1976.

Estrada-Claudio, Sylvia. Rape, Love and Sexuality: The Construction of Women in

                Discourse. Quezon City: UP Press, 2002.

Francisco, Jose Mario C. SJ ed. Sermones: Francisco BLancas de San Jose OP. Quezon City:

ADMU Press, 1994.

Garcellano, Edel. Knife’s Edge. Quezon City: UP Press,  1991.

Kintanar, Thelma ed. Women Reading. Quezon City: UP Press, 1992.

Lodge, David. Modern Criticism and Theory: A Reader. New York: Longman, 1988.

Mendez - Ventura, Sylvia. Feminist Readings of Philippine Fiction: Critique and

Anthology. Quezon City: UP Press, 1994.

Mojares, Resil. Waiting for Mariang Makiling. Quezon City: ADMU Press. 2002.

Paterno , Pedro. Ninay: Costumbres Filipinas. Inedit ni Soledad Reyes. Maynila: De La

Salle University Press, 1995.

Patoja-Hidalgo, Cristina. Gentle Subversion. Quezon City: UP Press, 1998.

Ramos, Barge. Pinoy Dressing: Weaving Culture into Fashion. Pasig: Anvil, 2007.

Robbins, Ruth. Literary Feminisms. London: Macmillan, 2000.

Santiago, Lilia Quindoza. Sa Ngalan ng Ina: 100 Taon ng Tulang Feminista sa Pilipinas. Quezon

City: UP Press, 1997.

Santiago, Lilia Quindoza. Sexuality and the Filipina. Quezon City: UP Press, 2007.

Scholes, Robert. Textual Power. London: Yale University Press, 1984.

Watkins, Susan. Twentieth-Century Women Novelists. New York: Palgrave, 2001.

Wright, Ma. Teresa. Rulebook Women. Maynila: De La Salle University Press, 2004.

[1] Maaaring tingnan ang mga ilustrasyon sa Eric Cruz, The Terno: Its Development and Identity as the Filipino Women’s National Costume (Makati: UP CHE, 1981). Ito rin ang mga imaheng inilalarawan sa Sir John Bowring, A Visit to the Philippine Islands (Manila: Filipiniana Book Guild, Inc., 1963), pp. 96-97.

 

[2]Barge Ramos, Pinoy Dressing: Weaving Culture into Fashion (Pasig: Anvil, 2007), p.105.

[3] Hiniram kay Laura Mulvey ni Ruth Robbins, Literary Feminisms (London: Macmillan, 2000) p.51.

[4] Simone de Beauvoir, The Second Sex (London: Vintage, 1997), p. 16. Maaari ring tignan ang dikotomiyang ginawa ni Helene Cixous sa pagitan ng lalaki at babae sa “Sorties: Out and Out: Attacks / Ways Out / Forays,” nasa Modern Criticism and Theory: A Reader, ed. David Lodge (New York: Longman, 1988), p.286-293.

[5] Mula ito sa salitang-ugat na “basa” (UP Diksyunaryong Filipino 2001).

[6] Robert Scholes, Texual Power (London: Yale University Press, 1984) pp. 1-3. Tinalakay din nang pahapyaw ni Edel Garcellano ang teorya ni Scholes sa “Marxism, Feminism and the Literary Text” nasa Knife’s Edge (Quezon City: UP Press, 2001) pp. 102-103.

[7] Binanggit sa Sylvia Estrada-Claudio, Rape, Love and Sexuality (Quezon City: UP Press, 2002). Maaari ring basahin ang Jacques Derrida, “Structure, Sign and Play in the Discourse of the Human Sciences,” Nasa Modern Criticism and Theory: A Reader, ed. David Lodge (New York: Longman, 1988), pp. 107-123.

[8] Terry Eagleton, Marxism and Literary Criticism (California: University of California Press, 1976), pp. 34-36.

[9]  Susan Watkins, Twentieth-Century Women Novelists (New York: Palgrave, 2001), Kabanata 5.

[10] Inilahad ng aklat ang mga di-tahasang subersyong ginagawa ng mga babaeng tauhan; bahagi nito ang paglikha ng mga sariling mundo, pagtalikod sa itinakdang moralidad, pag-angkin sa sariling katawan, ugnyan ng mga babaeng tauhan sa isa’t isa. Cristina Patoja-Hidalgo, Gentle Subversion (Quezon City: UP Press, 1998).

[11] Sa disertasyon, inilarawan niya ang doña bilang subersibo dahil sa hinahamon nito ang patriyarkal na wika ng mga konquistador sa pamamagitan ng pagsasalita ng putol-putol at mali-maling gramatika. Binanggit sa Flaudette May Datuin, Home, Body, Memory (Quezon City: UP Press, 2002), pp. 47-50. Maaari ring basahin ang mismong disertasyon ni Albina Pecson-Fernandez na pinamagatang Rizal and the Woman Question (Ph.D. Disertasyon, Unibersidad ng Pilipinas, 2000).

[12] Sa pagpapatupad ng Educational Decree ng 1863 na may layuning magbukas ng pampublikong paaralan (bukod pa sa mga parokyal na paaralang matagal nang nakatayo), isa ang good manners at right conduct sa mga pangunahing asignaturang kailangang makuha ng isang estudyante, bukod pa sa pag-aaral ng gramatika, heograpiya at kasaysayan. Sa kabuuan, relihiyon pa rin ang bulto at / o pundasyon ng mga itinuturo. Maaaring basahin si Maria Luisa Camagay, Working Women of the 19th Century (QC: UP Press, 1995), Kabanata ukol sa Maestras.

[13] Binanggit sa Resil Mojares, “Cathechism of the Body,” nasa Waiting for Mariang Makiling (QC: ADMU Press, 2002). Maari ring basahin angP. Modesto de Castro, Pagsusulatan ng Dalauang Binibini na si Urbana at Felisa, inedit ni Romulo Baquiran Jr., (Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino, 1996), p.65. 

[14] Kinumpara pa ito sa pesmulier, isang isda, na “nagtatakip ng dibdib” sa pamamagitan ng paliklik kapag nahuhuli ng mangingisda. Nasa Urbana at Felisa, p. 67.

[15] Mojares, p. 174. Maaari ring basahin ang Lagda sa pagca maligdan guinabuhi, ikalawang edisyon (Binondo: Imprenta de M. Sanchez, 1865), p.9-12.

[16] Nasa Urbana at Felisa, p.65.

[17] Maaaring basahin ang confesionarios at babasahin ukol sa pagninilaynilay sa konsensiya ng Simbahan.

[18] Maaaring basahin ang Fray Juan de Oliver, Declaracion de la Doctrina Cristiana en Idioma Tagala (QC: ADMU Press, 1995).

[19] Maaaring basahin ang Francisco Blancas de San Jose OP., Sermones (QC: ADMU Press, 1994).

[20]           Ayon kay Soledad Reyes, dahil itinuturing bilang reyalismong panlipunan ang perspektibong ginamit ni Rizal sa kanyang mga nobela, mas nakuha nitong ipakita at ilahad ang nagaganap sa lipunan ng Pilipinas noong huling bahagi ng siglo iyon.

[21]Dilidilihin mo, na sa iyong pagsasayao ay naquiquita ca nang Dios… Gunangunamin mo na yaong manga tauong may loob sa Dios ay pauang nagpupuri sa caniyang harap, doon din sa oras na icao ay nagsasayao. —- … Ay! Pagisip-isipan mo na noong icao ay nagsasayao, i, nagdaraan ang panahon, at nalalapit ang caquilaquilabot na camatayan! — … Pacaisipan mo na noong oras na icao na sa sayauan, ay maraming caloloua ang nagdurusa sa infierno, ay marahil dahilan lamang sa manga casalanang quinamtan sa mga sayauan (Claret, p. 21-22).” 

[22] Wright, Ma. Teresa, Rulebook Women (Maynila: De La Salle University Press, 2004), p.60-61.

[23] Ang sala na ito ay itinuturing bilang pakikiapid. (Mt 5:28)

[24] Maaring basahin si Resil Mojares. “Cathechism of the Body,” nasa Waiting for Mariang Makiling. (QC: ADMU Press, 2002), p. 175.

[25] Kinuha ni Ma. Teresa Wright sa Claret, Antonio Maria, Manga Tagobilin na sa manga Dalaga, i, Ibinigay nang Excmo. At Ilmo. Sr. Claret. 6th ed. (Guadalupe: Pequeno imprenta del Asilo de Huerfanos, 1889), p.25.

[26] Paterno, pp. 90-92.

Ang depinisyon ng babae, partikular sa loob ng isang patriyarkal na lipunan katulad ng Pilipinas, ay (madalas na) iniuugnay sa lalaki. Ang kanyang ka-ako-han ay nakabatay sa pagpapakahulugan sa lalaki: sa pamamagitan ng kanyang pagiging iba dito (at hindi ang kabaliktaran nito). Itinuturing bilang ekstensyon lamang, kinuha sa tadyang ni Adan. Sila ay sekundaryo, di-esensyal at insidental lamang. Sila ang madalas na itinuturing bilang pasibo at kimi, ang buwan, ang kalikasan, ang puso at ang emosyon. Sila ang 0 (zero) sa Boolean number[1]. Kung saan ang bilang na 1 (isa) ay katumbas ng kalalakihan. Ang 1 (kasama ang iba pang matutulis na konsepto) ang simbolo ng phallus, ang lalaki sa sikolohiya ni Freud. Sila ang “I”, ang “Ako”, ang “Sentro”, ang “Amo” sa pilosopiya ni Hegel. Sila ang binibigyang prebilehiyo, sila ang binibigyang halaga. Samantalang ang bilang na 0 (kasama ang iba pang mga konseptong iniuugnay sa butas), ang babae, ang “other”, ang “sila”, ang “nasa gilid”, ang “alipin.”

            Sa pamamagitan ng paggamit ng mata ng isang malay na Filipinang feminista, tatawasin ang mga kasalukuyang pagpapakahulugan sa salitang babae (at iba pang anyo nito) sa wika at panitikang Tagalog na matagal nang sinapian ng Espiritu ng Ama (isa pa ang Espiritu ng Bana, Kuya, Tiyo, Lolo at iba pa). Bahagi rin nito ang mismong panggagamot upang makabalik sa sariling ka-Ako-han ang salitang babae.

 

MATA NG MALAY NA FILIPINANG FEMINISTA:

Ang Pantawas sa Kasalukuyang Kalagayan ng Salitang Babae sa Wika at Panitikang Tagalog

 

            Sa ilalim ng pamamalakad ng mga pyudal na kongkistador sa Pilipinas, sinimulan na ang historikal na pagpapatalsik sa kababaihan. Sa proseso ng pagbabago ng moda ng produksyon at sistema ng pamamahala, tuluyang dumausdos ang mga prebilehiyong dating tinatamasa ng mga Filipina. Pilit na isinantabi ng mga “bagong panginoon” ang imahen ng babae bilang tagapagtago ng kayamanang-bayan at manggagamot ng kanyang komunidad. Bilang bahagi ng pagpapakilala ng bagong relihiyon, tinawag ang mga babaylan at catalonan na mga bruha, mangkukulam, mambabarang at iniugnay ang kanilang mga gawi at ritwal bilang gawa ng demonyo. Sinunog ang kanilang mga anito at lugar-sambahan. Ang (literal at simbolikal) na kagubatan at kweba ay napalitan na ng mga (nag)lalaki(hang) mga edipisyo   — simbahan at torre  — ang simbolikal na phallus.

            Ang pagtawas bilang bilang x-ray (isama pa ang CT Scan at MRI) ng nakalumang panahon na nakatutulong sa pagtukoy sa sanhi o dahilan ng kasalukuyang kalagayan o posisyon ng isang tao ang magsisilbi ring paraan ng pagdalumat sa salitang ‘babae’ sa wika at panitikang Tagalog. Katulad ng pagbabasang ginagawa ng magtatawas sa mga patak ng kandilang nakalutang sa tubig o sa platong lata na pinahiran ng langis at pinadaanan sa dila ng kandila, babasahin ang salitang ‘babae’ batay sa depinisyon nito sa mga pangunahing diksyunaryong Filipino at eksistensya nito sa mundo ng panitikang Tagalog. Sa pamamagitan ng pagtawas, muling binabalikan ng papel na ito hindi lamang ang masalimuot na pagsusuri ng sakit na sumapi (at / o kasalukuyang estado) ng salitang ‘babae’, bagkus ay nabibigyan rin ng gamot (o paunti-unting solusyon kung hindi man tuluyang pantanggal) sa nakapagbigay ng sakit o nakasapi rito.

Kaugnay nito, mahalagang bigyang diin ang pagtawas bilang iba sa eksorsismo na bahagi ng kolonyal at patriyarkal na relihiyong Kristiyanismo. Kung babalikan ang mayamang kasaysayan ng bansa, ang mga babaylan, kadalasang ginagampanan ng kababaihan, ang nataasan hindi lamang sa pagtatago ng panitikang bayan bilang mga mang-aawit ng mga epiko ng komunidad, bagkus ay itinuturing din bilang mga shaman na nagsisilbing mala-doktor at tagapag-ugnay sa mga yumao noong sinaunang panahon. Sila yaong nagtago ng mga kaalamang may kaugnayan sa panggagamot gamit ang mga pinaghalu-halong halamang ugat at / o dahon. Iba sila sa mga eksorsista, na eksklusibo lamang para sa mga pari, sa mga lalaki, ng relihiyong Katoliko. Kung balikan ang mga pelikulang “The Exorcist” o “The Exorcism of Emily Rose,” literal at simbolikal na ipinakikita ang relasyon ng kapangyarihan sa pagitan ng kasarian. Kapansin-pansin na laging mga babae ang sinasapian (mga babaeng hindi diumano’y normal ang kilos at galaw dahil sa kanilang kakaibang kalakasan, katalinuhan at katabilan ng dila) at lagi silang ‘tinutulungan’ ng pari upang matanggal ang kung anumang espiritong gumagambala rito.

Sa kabuuan, sa pamamagitan ng papel na ito, binibigyang diin ang sinaunang paraan ng paggagamot ng mga babaylan / katalonan at maging ang muling pagbibigay kapangyarihan sa kanila na manggamot na kaiba sa eksorsismo ng Simbahan. Dagdag pa rito, ang pagbasang gagamitin ay ang mata ng malay na Filipinang Feminista. Ito ang magsisilbing pantawas upang makita ang ’sapi’ sa kasalukuyang sa wika at panitikan ng mga Tagalog.

Maraming mahahalagang konsepto ang nakapaloob sa paraan ng pagbasang ito na kailangang himay-himayin at talakayin. Una ay ang salitang malay na maaaring itumbas sa pagiging “mulat” o bukas ang mga mata. Kung saan, sa pamamagitan nito, mas nakikita at nagiging sensitibo ang mambabasa sa ilang mga detalye sa loob ng teksto. Sa partikular, napupuna at napagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay na dati’y naisasantabi, mas nagiging kritikal, matanong at mapag-usuisa. Sa madaling salita, hindi basta-bastang tinatanggap na “natural” at “unibersal” ang iba’t iba at samu’t saring dibisyon at hirarkiya na nagaganap sa lipunan, bagkus isang pumapalag na mambabasa na naghihimay-himay sa mga konseptong nakapaloob sa teksto.

Filipina dahil sa babasahin ang wika at panitikan batay sa karanasan at posisyon ko sa lipunang aking ginagalawan na nakaaapekto sa paraan ng aking pagsusuri at pagbibigay-kahulugan ng mga tekstong aking binabasa (bagamat walang kinalaman ang biyolohikal na kayarian ng isang tao sa pagkakaroon ng Feministang pananaw). Dahil din hindi iisa o homogenous na grupo ang feminismo, ang konseptong Filipina sa paraan ng pagbasa ang magbibigay rito ng pekularidad. Binubukas nito ang isa sa marami pang posisyon at karanasan ng feminismo — ako bilang isang babaeng feminista na mula sa Ikatlong Mundo at may ideyolohiyang maka-Ikatlong Mundo (importante ring banggitin na hindi naman awtomatikong maka-Ikatlong Mundo ang kaisipan ng isang babaeng mula lamang sa Ikatlong Mundo).

Panghuli ay ang salitang Feminismo, na kumikilala sa pagkakaroon at pananaig ng double standards sa lipunan, kung saan ang posisyon ng mga babae sa loob ng sistemang ito ay desbentaha, bukod pa rito, nakikita ang pangangailangan upang baguhin ang ganitong kaisipan at pagpapahalaga.

Nangangahulugan na ang nananaig na gahum at kaayusan na pumapabor sa Batas ng Ama ay hindi pikit matang tinatanggap na lamang. Bagkus, sa loob rin nito mismo ay may umuusbong na isang kontra-hegemoniya, isang bagong paraan ng pagpapahalaga at pagbasa na naglalantad at (posibleng) magtanggal sa kasalukuyang patriyarkal na kaayusan.

 

ANG BABAE SA WIKA AT PANITIKANG FILIPINO:                                                                          Ang Aktwal na Pagtawas sa Wika at Panitikang Tagalog

Magiging tuntungan ng pag-aaral sa Wika ang pagbabalik-aral sa popular o gamiting mga diksyunaryo sa bansa. Halimbawa na riyan ang “Diksyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda at “UP Diksyonaryong Filipino” ni Virgilio Almario. Samantala, magiging tuntungan naman ng pag-aaral sa Panitikan ang pagbabalik sa mga naunang pag-aaral, listahan at / o antolohiya at / o patimpalak gaya ng mga prestihiyosong Don Carlos Palanca Memorial Awards,  Cultural Center of the Philippines Award, Pambansang Alagad ng Sining (sa Panitikan) at iba pa.

 

WIKA. Madalas na iniuugnay ang wika sa ina, sa mga babae. Subalit, kung susuriing mabuti, hindi na pagmamay-ari ng mga babae ang kasalukuyang wikang ginagamit at sinasalita nila.

Sa kasalukuyan, sa unang tingin, kung ikukumpara ang Tagalog sa Ingles at Español, hindi kaagad mahahalata ang “Kapangyarihan ng Ama” sa wika. Hindi kasi ito katulad ng Ingles na lagi na lamang ikinakabit ang babae sa lalaki: (wo)man, (fe)male. Sa Tagalog, kapansin-pansin na may sariling pagkakakilanlan ang salitang babae[2] na hiwalay sa lalaki. Sa Ingles, maging sa panghalip, nakakabit ang salitang babae sa lalaki: (s)he, sa ikatlong panauhan na pang-isahan sa Ingles. Sa wikang Tagalog, lahat sila ay: siya, panghalip na walang tinutukoy na ispesipikong kayarian ng tao. Bukod pa rito, may tendensiya ring yapusin at saklawin ng salitang man ang sangkatauhan (mankind) o bawat tao (person). Sa kabilang banda, sa Wikang Español, nakakabit hindi lamang sa ikatlong panauhan na pang-isahan ang salitang babae (ella) sa lalaki (el), bagkus maging sa ikatlong panauhan na pangmaramihan: ellas / ellos. Mahalaga ding banggitin na (halos) lahat ng mga salita sa wikang ito ay may espesipikong kayarian — maging ang mga bagay at konseptong wala namang buhay: (la) mesa, (la) educacion, (el) libro, (el) fuego at iba pa.

Ang ganitong katayuan ng ‘babae’ (yaong salita at maging ang tao na rin mismo) sa lipunang Fiipino ay hindi naman kataka-taka. Ayon na rin sa mga her-storya-dor, bago pa man dumating ang mga Español sa bansa, maraming prebilehiyo na ang tinatamasa ng kababaihan.[3] Sa katauhan ng mga babaylan at catalonan, makikita ang mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan.[4] Sila ang naatasang mag-alaga at magpreserba ng kultura, ang hahawak sa oral na tradisyon ng kanilang komunidad — sila ang kumakanta ng mga epiko, ang tinatawag sa panahon ng pagtatanim at pag-ani, kapag may bagong panganak o namamatay. Bukod pa rito, mga manggagamot at ispiritwal na pinuno rin sila ng kanilang lugar.[5]

Sinususugan maging ng mga popular na alamat ang sinaunang relasyon sa pagitan ng babae at lalaki katulad ng kuwentong “Si Malakas at si Maganda” na bagamat ang mga pang-uring ginamit sa pagpapangalan sa mga pangunahing tauhan ay isteryotipikal, sabay pa rin silang lumabas sa isang kawayan at hindi hinugot lamang sa tagiliran ng isa, ang isa. Bagamat alamat na ring itinuturing ang kuwento ni Prinsesa Urduja ng Pangasinan, hindi pa rin maitatanggi na maging sa imahinasyon ng mga sinaunang Pilipino, maaaring maging magaling na pinuno ang isang babae.[6] Sa pag-aaral naman ni Priscelina Patajo-Legasto sa mga epiko ng Pilipinas, nakita niya na: (1) walang diskriminasyon sa anak na babae o sa pagpabor sa magiging anak (maliban na lamang sa epikong “Labaw Donggon”), (2) walang diin o empasis sa pagiging birhen ng babae bago pa ito ikasal at (3) may kalayaan ding hiwalayan ng babae ang kanyang bana.[7]

Subalit matapos ang ilang daang taong pananakop, ng iba’t ibang mga bansa, sa iba’t ibang paraan, tiyak na naimpluwensiyahan ang ating kalinangan ng kolonyal at patriyarkal na pagpapahalaga.

Sa puntong ito, hihimay-himayin at ilalagay sa sentro ng diskusyon hindi lamang ang salitang Babae bagkus ang dalawa pang salitang na nakaugat sa salitang Babae: ang Pagkababae at Kababaihan.

Ang salitang babae, batay sa ibinigay na depinisyon ni Jose Villa Panganiban noong 1973, ay:

            1. (pangngalan) mistress, kalaguyo, querida

                        2. (pang-uri) female, feminine

 

Babae ang nakaugaliang tawag ng isang “macho” sa mga karelasyon niyang pinagsasabay-sabay. Madalas din itong gawing pamantayan ng pagiging “tunay na lalaki.” Sa kabilang banda, hindi naman mababasa sa ilalim ng salitang ‘lalaki’ ang depinisyong may kinalaman sa pagiging number two (ng isang babae). Mahihinuha na ang konsepto ng pagkakaroon ng kalaguyo ay iniuugnay lamang sa kinakasama ng isang lalaking (may asawa) at hindi ng isang babae. Batay naman sa ikalawang depinisyon, ipinag-isa nito ang konsepto ng pagiging biyolohikal na babae (female) at mga gawain at galaw na iniaatas ng lipunan sa babae (feminine), na kung susuriin ay hindi magkasing kahulugan.

Sa puntong ito, mahalagang banggitin na magkaiba ang kayarian sa kasarian, (bagamat hindi maitatangging mahigpit itong magkaugnay). Ang kayarian (sex) ay tumutukoy sa biyolohiya, sa simplistikong depinisyon, nakabatay ito sa kanyang chromosomes (XX o XY) at hormones (progesterone at androgen o testosterone). Sa kabilang banda, ang kasarian (gender) naman ay tumutukoy sa klasipikasyong ginagawa ng lipunan upang eksaheradong pag-ibahin ang (biyolohikal na) babae at lalaki sa pamamagitan ng paglikha at pagtakda ng mga papel at posisyon na dapat gampanan ng isang babae at lalaki sa lipunang kanilang ginagalawan.2 Sa madaling salita, ang kasarian o gender ay isa lamang konstrak na nagdidikta sa pagiging lalaki o pagiging babae ng isang tao. Sinasabing pagkasilang na pagkasilang pa lamang ng sanggol sa mundong ito, tinuturuan at itinakda na ang kanyang mga dapat ikilos, pag-uugali at gawi (depende sa biyolohikal na kayarian) batay sa mga kostumbre ng lipunan, na magbibigay-prebilehiyo o maglilimita sa mga potensyal o maaaring maging kontribusyon niya sa lipunan. Samantala, sa tulong na rin ng iba pang mga represibo at ideyolohikal na aparato ng lipunan — mga institusyon tulad ng pamilya, edukasyon, simbahan, media at iba pa — mas madaling napatatagos ang ang ganitong kaugalian. Dagdag pa ni Elizabeth Eviota, “Sa bawat kultura at panahon, ang babae at lalaki ay kumikilos batay sa mga panuntunan ng lipunan na tinatawag na sistemang kayarian-kasarian. Sa pamamagitan ng sistemang ito, ng biyolohiya at kultura, nagiging babae ang babae at nagiging lalaki naman ang lalaki; nagdidikta ito ng ispesipikong mga gawain at papel ng babae at lalaki batay sa kasarian; tinatakda nito ang mga parametro ng sekswal at reproduktibong pagkilos; minamanduhan din nito ang panlipunang ugnayan ng mga tao (aking salin).”[8]         

Nang inilabas naman ang diksyunaryong pansintenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) noong 1998 (na ibinatay sa talatinigan ng Linangan ng Wikang Pambansa (LWP) noong 1989), kapansin-pansin na hindi nalalayo ang ibinigay na depinisyon ng KWF sa depinisyon ni Panganiban sa salitang babae:

1.      (pangngalan) kalaguyo, kerida, kinakasama

2.      (pang-uri) taong ang kasarian ay ukol sa pagiging ina

 

Mababasa pa rin ang unang depinisyon; ang babae bilang “number 2” ng isang lalaking may asawa. Sa pagkakataong ito, batay sa ikalawang depinisyon, animo’y ipinaghiwalay na ang konsepto ng female at feminine. Subalit ito ay sa unang tingin lamang. Bagamat itinumbas ng KWF ang salitang babae sa pariralang “pagiging ina,” kung saan ang ina ay: yaong mga taong may kakayahang makapagluwal, malayung-malayo naman ito sa ibinigay na kahulugan sa salitang ama:

1.      magulang na lalaki

2.      ninunong nagtatag ng isang lahi o lipi

3.      nagbibigay ng pagkakandiling-ama

(e.g. bilang tagapagtanggol o tagapanustos)

 

Mahihinuha na wala sa mga binanggit ang may kaugnayan sa biyolohiya, bagkus, iniuugnay ang konsepto ng ama sa kanyang mga itinayo, mga ipinaglaban at sinuportahan. Walang pagbanggit sa kanyang kakayahan halimbawa na magbigay ng esperma o makabuntis. Batay pa sa depinisyon, kapansin-pansin na kaakibat ng konseptong ama ang iba pang pananagutan na may kaugnayan sa pagpapalaki ng sanggol / bata. Nangangahulugan na ang salitang ama ay isang responsibilidad na itinakda o idinidikatang dapat gawin ng isang lalaki; nangangahulugan din na hindi na lamang simpleng biyolohiya o kapabilidad at kakayahang na manganak ang konsepto ng babae, bagkus may ikinakabit na ritong kilos at gawi.

            Kaugnay nito, hindi maiaalis ang konsepto ng ‘mother’s instinct,’ ang kakanyahang taglay diumano ng bawat ina o nagsilang.  Dahil instinct, itinuturing na innate o awtomatikong ginagawa. Ang implikasyon tuloy nito, ang mga inang nahihirapan sa pagtukoy sa kahulugan ng bawat pag-iyak ng sanggol (na nangangahulugan din na nahihirapan siyang tukuyin ang mga pangangailangan o nararapat gawin para sa bata) ay kinukuwestiyon ng “iba,” sa kanilang kakayahan na maging isang mabuti ina; madalas, sa proseso, kinukuwestiyon na rin ng ina ang kanyang pagiging ina.

Batay sa ating ginagawang diskurso, mas angkop ipanumbas sa salitang feminine,na nauna nang binanggit, ang salitang pagkababae sa Tagalog. Ayon mismo sa KWF, ang salitang pagkababae ay kalagayan ng pagiging babae, mga katangiang pambabae. Ayon pa sa KWF, nilalapian ito ng “pagka” sa unahan na “nagsasaad ng kabasalan, buod ng kakayahan o ng tanging kalikasan sa isang bagay o tao” at salitang-ugat na “babae.” Batay sa kahulugan na ibinigay ng diksyunaryo, nililimitahan nito ang kilos, galaw at kakayahan ng isang indibidwal dahil sa kanyang biyolohikal na kayarian. Pangalawa, kapansin-pansin ang pagkakabit ng konseptong ito sa mga babae lamang. Nangangahulugan na tanging mga biyolohikal na babae lamang ang (inaasahang) kumilos nito, na nagreresulta ng pagkakastigo sa mga indibidwal na lumalabag sa ganitong kaayusan, sa nakaugalian. Nariyan ang mga pisikal na pandarahas, pagkutya at pagtawag ng mga pangalan — tomboy, t-bird, dikya, malas sa negosyo at marami pang iba.

            Subalit, ano nga ba ang mga katangiang para sa babae lamang? Lumalabas sa diskusyon na ang konseptong ito ay konstruksyon lamang ng lipunan. Ibig sabihin, idinidikta ng kultura at lipunan. Sinasabing pagkasilang na pagkasilang pa lamang ng isang sanggol sa mundong ito, tinuturuan at itinakda na ang kanyang mga dapat na ikilos, pag-uugali at gawi batay sa nakaugaliang kostumbre. Halimbawa, nilalampinan ang babaeng sanggol ng kulay rosas, pinapalaro ng mga manyika (bilang preparasyon sa kanyang pagiging ina balang araw) at pina-lalaki-ng mahinhin, kimi at tahimik.

            Samakatuwid, hindi rin napaghihiwalay ng KWF ang konsepto ng kayarian at kasarian (sex at gender), bagkus ay tinitignan bilang halos magkasingkahulugan pa. Tinuturing na sa pamamagitan ng kayarian ng isang tao, partikular ng babae, natutukoy at nadedetermina na ang papel, kakayahan at potensyal sa kanyang lipunan. Sa tulong na rin ng mga ideyolohikal na aparato ng lipunan, mas napapatanggap na “natural” at “unibersal” ang ganitong kaayusan sa lipunan. Bagamat makikita at mararamdaman rin sa loob ng superistraktura ng lipunan ang pakikibaka at pagkikitunggali sa kaayusang ito.

            Nang konsultahin ang ibinigay na depinisyon sa salitang kababaihan sa diksyunaryo ni Panganiban, bagamat lumalabas ang salitang ito, hindi naman niya ito binigyan ng katuturan. Sa kabilang banda, hindi naman mahahanap ang salitang ito sa diksyunaryo ng KWF.

            Maganda tuloy tanungin kung bakit hindi napasama ang salitang kababaihan sa mga salitang dapat bigyan ng kahulugan? Hindi ba importante ang salitang ito kaya hindi nakasali? Wala ba talagang ganitong salita? Maraming kahulugan at mensaheng ipinaparating ang hindi pagbanggit ng mismong diksyunaryo na ginawa pa naman ng mga kinikilalang institusyon ng bansa. Kung tutuusin, isang kapangyarihan ang pagsusulat ng diksyunaryo dahil nagkakaroon ng prebilehiyo (ang editor) na mamili ng mga salitang mapapaloob at mapapasama sa koleksyon. Isa rin itong kapangyarihan dahil nagbibigay ito ng depinisyon, hugis, itsura ang mga salita (sa kasamaang palad din, sa proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa isang bagay, nakapagbibigay rin ito ng limitasyon sa kahulugan).

            Ayon kay Quindoza-Santiago, ang salitang kakabaihan ay tumutukoy sa “isang kilusan upang igiit ang kanilang mga karapatan sa mga istraktura ng kapangyarihan sa lipunan.[9] Nangangahulugan na isa itong pulitikal na kilusan na may layuning ilantad ang hirarkiya, ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan — partikular sa pagitan ng babae at lalaki   — pati na rin ang pagbuwag sa sistemang ito. Batay dito, hindi kataka-taka kung hindi napasama ang isang mapagpalayang depinisyong ito sa mga diksyunaryong parehong pinamatnugutan ng lalaki, sina Jose Villa Panganiban at Ponciano Pineda.

            Sa kabuuan, ang wika bilang produkto ng lipunan na naglalaman ng mga pagpapahalaga ng isang kultura, ay isa ring midyum upang ipalaganap ang mga kaisipang ito sa susunod na henerasyon at sa mga bagong dayo sa komunidad. Kung kaya naman, isa rin itong arena na dapat gamitin upang tunggaliin ang kasalukuyang androsentriko at patriyarkal na kaayusan. Bagamat may mga feminista, tulad ni Mary Daly na naniniwalang kailangang bumuo ng sariling wika at paraan ng pagpapahayag ang hanay ng kababaihan, na kailangang lumabas sa kasalukuyang patriyarkal na tipo ng wika na ginagamit,[10] mahalaga pa rin na pakinabangan ang kaalaman ng kababaihan sa patriyarkal na wika at gamitin ito para sa pagpapalaya ng kanyang sarili.

 

PANITIKAN. Batay sa UP Diksyunaryong Filipino (2001), ang salitang panitikan ay mula sa salitang titik na nilagyan ng unlaping pang at hulaping an. Narito pa ang ilan sa mga ibinigay na depinisyon ng UPDF:

1)      Literatura (Español) o literature (Ingles)

2)      Mga akda na kangi-tangi sa masining at malikhaing pagtatanghal ng mga ideya

3)      Ang kabuuang lawas ng mga naisulat sa tiyak na wika, panahon ay iba pa

4)      Ang propesyon ng manunulat at awtor

 

Kung susumahin ang mga nabanggit na depinisyon, hindi maikakailang iniuugnay ang panitikan sa pagkakaroon ng edukasyon — o yaong mga nakapag-aral. Ito ay sa kadahilanang ang propesyong ito ay nangangailangan ng karunungan sa pagsusulat at pagbabasa na makukuha, madalas, sa pormal na paaralan. Subalit, kung babalikan ang kasaysayan ng pormal na edukasyon sa bansa, matatanto na sa mahabang panahon ay naging eksklusibong panlalaki lamang ang akademya. Kung maaalala, pinuri sa pamamagitan ng isang liham ni Dr. Jose Rizal ang kababaihan ng Malolos (1888) dahil sa kanilang determinasyon na ipaglaban ang pantay na opurtunidad ng babae at lalaki sa paaralan. Gaya ng alam natin, noong panahong iyon, tanging mga pambahay na gawain lamang at katekismo ang itinuturo sa mga babae, samantalang ang mga lalaking ilustrado naman noo’y nakapagtatapos na ng mga degri sa medisina at abogasya.Napatid lang ang pagkauhaw na ito ng kababaihan sa pagkakaroon ng pormal na edukasyon noong nabuksan ang pinto ng akademya sa mga babae noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa pamamagitan ng mga pampublikong paaralan.[11]

Kung tutuusin, hindi naman (talagang lantarang) pinagbabawalan ang pagpasok ng mga babae sa mundo ng pagsusulat, subalit hindi rin naman ito lubos na sinasang-ayunan. Sinasabi pa na ang labis-labis na “pagkahumaling” ng sinumang babae dito ay tiyak na may hinihintay na “kaparusahan”   — ang pagiging hiwalay sa asawa (tulad ni Leona Florentino), pamumuhay ng mag-isa (tulad ni Magdalena Jalandoni)[12], at pagbatikos ng lipunan kung mapabayaan ang pamilya.

            Batay na rin sa ikalawang depinisyon na ibinigay ng diksyunaryo, hindi maaaring ihiwalay sa produksyong pampapanitikan ang konsepto ng “literariness” — o ang masining at malikhaing pagtatanghal sa loob ng panitikan — upang maturing na “tunay na panitikan” ang isang akda. Subalit sino ba ang nagdedetermina ng kagandahan? Kaninong pamantayan ang ginagamit?

            Batay sa isang pag-aaral na ginawa nina Lina Sagaral Reyes at Marjorie Evasco sa mga nagsipagwagi ng mga gantimpala at parangal sa mga patimpalak gaya ng Cultural Center of the Philippines Award at Don Carlos Palanca Memorial Awards (kasama ang pagsasaalang-alang sa mga naging hurado sa mga nasabing patimpalak), lumalabas na nananatiling monopolyo pa rin ng kalalakihan ang mga gawad pampanitikan.[13] Kung susumahin sa kasalukuyan ang mga nahirang nang Pambansang Alagad ng Sining, partikular sa larangan ng panitikan simula pa noong mabuo ito noong 1972, iisa pa lamang ang babae, si Edith Tiempo noong 1999; sampu naman sa labing-isang Alagad ng Sining ay lalaki.

            Kung gayon, hindi rin nagkamali ang UPDF sa pagtumbas sa salitang panitikan sa literature ng Ingles. Ayon sa ibinigay na depinisyon ng Oxford English Dictionary (1933, renibisa noong 1972) sa salitang literature: “Literary work or production; the activity or profession of a man of letters…(aking diin).” Kapansin-pansing ang tinatawag na literature ay anumang likha ng isang lalaki. Nangangahulugan na ang babaeng manunulat ay walang lugar, walang depinisyon, sa mundo ng panitikan.[14]  

            Kung susumahin, mabibilang pa rin ang mga babaeng manunulat na napapasama sa mga antolohiya at koleksyon, na mayorya ay pinapatnugutan ng mga lalaki. Halimbawa, nang lumabas ang antolohiyang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista noong 1939, na pinamatnugutan ni Pedrito Reyes, tanging siyam (9) na babaeng manunulat lamang ang napasama dito. Kabilang rito sina: Rosario Aguinaldo, Andrea Arce, Carmen Batacan, Susana de Guzman, Nieves del Rosario, Carmen Herrera, Hilaria Labog, Jovita Martinez at Belen Santiago. Nang lumabas naman ang Ang 25 Pinakamabuting Kathang Pilipino noong 1944, na pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo, tanging sina Rosalia Aguinaldo, Hilaria Labog, Liwayway Arceo, Gloria Villaraza at Lucila Castro, limang (5) babaeng manunulat lamang, ang napasama sa koleksyong ito. Sinasabi pa na kaya lamang napapasama ang mga babaeng manunulat sa mga antolohiyang pinapatnugutan ng mga lalaki (lalo na noong panahong iyon) ay sa kadahilanang ang mga salita’t imahen na nakapaloob sa kanilang mga akda ay “hagod-lalaki”, kung saan mata at boses pa rin ng mga lalaki ang naglalarawan. Sabi pa ni Aling Bebang (Genoveva Edroza-Matute) na ang turing sa kanila ng mga kapwa lalaking manunulat ay “parang mga multo” o “mga lalaking gumagamit lamang ng mga pangalang babae.”[15] Batay naman sa karanasan ni Magdalena Jalandoni, sinasabing noong nagsisimula pa lamang siyang magsulat noong unang bahagi ng 1900, kinailangan niyang gumamit ng pseudonym dahil sa kinokonsiderang hindi pambabae ang gawing magsulat at malimbag noong mga panahong iyon.[16]

            Nang inilabas naman ni Virgilio Almario ang Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino noong 1981, tanging si Elynia Ruth Mabanglo sa labing-apat na lalaking napasa sa koleksyon. Kapansin-pansin pa na tanging tatlong tula ni Mabanglo ang nagsilbing halimbawa ng kanyang mga tula[17] samantalang may mga lalaking makata sa seleksyon na mayroong sampu o higit pang mga halimbawa. Ilan rito sina Jose Corazon de Jesus, Benigno Ramos, Alejandro G. Abadilla, Amado V. Hernandez, Lamberto Antonio, at Federico Licsi Espino Jr.  Nang inilabas naman ang Ang Aklat Likhaan ng Dula (1997-2003) noong 2006 na pinamatnugutan nina Rene Villanueva at Vim Nadera, tanging dula ni April Tong na pinamagatang “Nang Mawala ang Junior ni Junior” at adaptasyon ni Lisa Magtoto ng “Agnoia”[18] ang napasama sa koleksyon na binubuo ng labinlimang mandudula.

Kung babalikan naman ang isa sa pinakagamitin na antolohiya ukol sa Panitikan ng Pilipinas, ang “Philippine Literature: A History and Anthology (Revised Edition)” nina Bienvenido at Cynthia Lumbera na lumabas noong 1997, mabibilang pa rin sa daliri ang mga manunulat na babaeng napasama sa koleksyon. Halimbawa, sa kabanata ukol sa Panitikan sa Ilalim ng Pamahalaang Espanyol, tanging sina Leona Florentino at Gregoria de Jesus ang napasama sa labing-isang manunulat ng panahon. Sa kabanata naman ukol sa Panitikan sa Ilalim ng Pamahalaang Amerikano, sina Magdalena Jalandoni at Evangeline Guerrero ang napasama sa labing-anim na manunulat. Sa Panitikan sa Ilalim ng Republika na kabanata sina Genoveva Edroza Matute, Kerima Polotan Tuvera at Fanny Garcia ang napasama kumpara sa dalawampu’t dalawang lalaking bahagi rin ng panahon. Sina Joi Barrios, Marjorie Evasco, Elynia Ruth Mabanglo at Lilia Quindoza Santiago ang napasama sa Panitikan Matapos ng EDSA na kabanata; malayo pa rin ito sa siyam na lalaking bahagi ng kabanata.

            Batay sa diskusyong ito, makikita ang kasalukuyang posisyon at predikament ng isang babaeng manunulat sa Pilipinas. Kung kaya, isa rin itong pinto na kailangang buksan, isa itong arena na kailangang tunggaliin, isiwalat, kuwestyunin at punahin ang nananaig na misohino at patriyarkal na pagpapahalaga.

 

 

ANG UNTI-UNTING PAGGAGAMOT

Sa kasalukuyan, unti-unti namang lumuluwag ang siwang ng pintong nakapinid para sa mga babaeng manunulat. May mga inisyatib na na ginawa ang ilang mga babaeng manunulat (sa kasalukuyan) na maglabas ng mga antolohiya ng mga akda ng kapwa Filipinang manunulat gaya ng Silid na Mahiwaga (1994) ni Soledad Reyes na kalipunan ng mga maiikling kuwento at tula sa Wikang Tagalog[19] at Sa Ngalan ng Ina (1997) ni Lilia Quindoza Santiago na kalipunan naman ng 100 tulang feminista mula 1889 hanggang 1989[20]. Hindi rin maisasantabi ang antolohiya ng dalawampung kuwentong buhay ng ilang piling Tagalog na manunulat na muling isinalaysay ni Rosario Torres Yu sa Sarilaysay (1997)[21]. Ganoon din sa larangan ng pagsulat ng diksyunaryo, mayroon nang inisyal na primer na isinulat si Thelma B. Kintanar upang maging gender-sensitive ang paggamit ng wika (partikular sa Ingles). Subalit, hindi dapat dito matapos ang lahat. Marami pa ring mga panitikan ng kababaihan ang naisasantabi, kinakalimutan at hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala, pag-aaral at pagpapalimbag, lalung-lalo na yaong mga manunulat sa iba pang mga wika sa Pilipinas.

Ayon kay Elaine Showalter, madalas na napapabayaan o hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala at pag-aaral ang maraming akda ng babaeng manunulat (partikular sa kanluran). Dagdag pa niya, kakaunti na nga lamang ang kanilang bilang, naisasantabi pa ang mga hindi gaanong sikat sa kanilang hanay. Dahil dito, nagkakaroon tuloy ng pagkaputol sa kasaysayan ng pagsusulat ng mga babaeng manunulat at maging ng buong tradisyon ng panitikan ng bansa.[22] Pinangalawahan naman ni Benilda Santos ang panimulang obserbasyong ito ni Showalter, partikular sa konteksto ng Pilipinas. Ayon sa kanya, nagkakaroon ng pagkaputol sa kasaysayan ng pagsusulat hindi lamang ng mga babaeng manunulat bagkus maging ng kabuuang tradisyon ng panitikan sa bansa. Dagdag pa niya, bagamat lumalakas na ang kilusang kababaihan na nagreresulta ng mas lumuwag na siwang sa pinto ng panitikan at palimbagan sa mga babaeng fiksyunista, nananatiling monopolyo pa rin ito ng kalalakihan at / o ng iilang mga babaeng nagsusulat sa Ingles.[23] Sa kabuuan, mahaba-habang tawasan pa rin ang kailangang gawin upang mabalik sa kamay ng mga babaylan, kababaihan, ang kanilang posisyon sa mundo ng panitikan at wika.

 

 

 

 

 

 

 SANGGUNIAN:

Almario, Virgilio, ed. Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino. Maynila: Philippine Educational Co., Inc., 1981.

Almario, Virgilio etal. eds., UP Diksyunaryong Filipino. Pasig: Anvil at SWF, 2001.

Belsey, Catherine at Moore, Jane ed. The Feminist Reader. London: Macmillan, 1997.

Camagay, Maria Luisa. Working Women of the 19th Century. Quezon City: UP Press, 1995.

Daly, Mary. Gyn/Ecology: The Metaethics of Radical Feminism. Boston: Beacon, 1978.

Daly, Mary. The Church and the Second Sex. Boston: Beacon, 1985.

Datuin, Flaudette May. Home Body Memory. Quezon City: UP Press, 2002.

Demetrio, Francisco S.J. etal. The Soul Book. Quezon City: GCF Books, 1991.       

Eisenstein, Zillag, ed. Capitalist Patriarchy and the Case for Socialist Feminism.New York: Monthly Review Press,  1979.

Eviota, Elizabeth. The Political Economy of Gender.  London: Zed Boks, 1992.

Jaggar, Allison. Feminist Politics & Human Nature. New Jersey: Rowman Allanheld, 1983.

­Kintanar, Thelma, ed. Women Reading. Quezon City: UP Press at UP UCWS, 1992.

Lodge, David. Modern Criticism and Theory. New York: Longman, 1988.

Lumbera, Bienvenido at Lumbera, Cynthia ed. Philippine Literature: A History and Anthology. Pasig: Anvil, 1997.

Mendez - Ventura, Sylvia. Feminist Readings of Philippine Fiction: Critique and Anthology. Quezon City: UP Press, 1994.

Mojares, Resil. Waiting for Mariang Makiling. Quezon City: ADMU Press. 2002.

Patoja-Hidalgo, Cristina. Gentle Subversion. Quezon City: UP Press, 1998.

Pineda, Ponciano, ed. Diksyunaryo ng Wikang Filipino. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 1998.

Pineda-Ofreneo, Rosalinda. etal. Feminist Theories and Movements. Quezon City: UP Open University and UP CSWCD, 1997.

Quindoza-Santiago. Sa Ngalan ng Ina. Quezon City: UP Press, 1997.

Reed, Evelyn. Is Biology Woman’s Destiny. New York: Pathfinder Press, 1985. Chapter 1.

Reyes, Soledad, ed. Ang Silid na Mahiwaga: Kalipunan ng Kuwento’t Tula ng mga Babaeng Manunulat. Pasig: Anvil. 1994.

Robbins, Ruth. Literary Feminisms. London: Macmillan, 2000.

Santos, Benilda. “Ang Panitikan ng Kababaihan at Ang Rebisyon ng Pambansang Panitikan,” nasa Daluyan, 4  (1997): 459-498.

Torres-Yu, Rosario. Sarilaysay. Pasig: Anvil, 2000.

Villa-Panganiban, Jose, ed. Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles. Maynila: ­­­­­­­­­­­­­­______, 1973.

Villanueva, Rene at Vim Nadera, eds. Ang Aklat Likhaan ng Dula (1997-2003). QC: UP Press, 2006.

Warhol, Robyn and Diane Herndl, ed. Feminisms: An Anthology of Literary Theory and Criticism. USA: Rutgers,1991.

________________.  Women’s Role in Philippine History. Quezon City: University Center for Women’s Studies, 1990.

 

http://www.panitikan.com.ph/criticism/thewriterandherroots.htm

[1] 101010101. Ito ang Boolean number, ang wika ng computer. Sinasabing lahat ng impormasyon — salita, letra, marka — na iniimput sa computer ay may katumbas na numero: maaaring 1 (on) o kaya naman ay o (off). Sinusundan nito ang lohika ng matematika kung saan ang numero 1 ay katumbas ng “pagkakaroon”, ng “pagiging narito”. Sa madaling salita, may value o halaga ang numero 1. Sa kabilang banda, kabaligtaran naman nito ang bilang na 0. Ito ay ang “pagiging wala” na katumbas din ng kawalan ng halaga.

[2] Ito ay babai, babaye, babayi, bayi sa ibang mga wika sa Pilipinas.

[3] Bagamat marami ang nagtatalo kung talaga bang pantay ang katayuan ng babae at lalaki noong panahong ito. Elizabeth Eviota, The Political Economy of Gender (London: Zed Boks, 1992), pp. 3-5.

[4] Bagamat may ilang lalaki rin na gumaganap nito, kailangan pa rin nilang magsuot ng mahabang buhok at malabestidang damit sa kanilang komunidad. Francisco Demetrio S.J. etal., The Soul Book (Quezon City: GCF Books, 1991). p.138.

[5] Zeus Salazar, “Ang Babaylan sa Kasaysayang Pilipinas” nasa Women’s Role in Philippine History (Quezon City: University Center for Women’s Studies, 1990), pp. 35-41.

[6]     Rosalinda Pineda-Ofreneo, “Tracing A Hidden Tapestry” nasa Women Reading, ed. Thelma Kintanar (Quezon City: UP Press at UP UCWS, 1992), pp. 31-32.

[7]     Binanggit sa Lilia Quindoza-Santiago, Sa Ngalan ng Ina (Quezon City: UP Press, 1997), pp. 47-48.

2 Ang pagtutumbas sa mga salitang ‘kayarian’ at ‘kasarian’ sa ‘sex’ at ‘gender’ sa Ingles ay ginamit ni Lilia Q. Santiago, Sa Ngalan ng Ina (Quezon City: UP Press, 1997), p.10-11.

[8] Hiniram ni Elizabeth Eviota, Political Economy of Gender (London: Zed Books, 1992), pp. 3. kay Nancy Chodorow, “Mothering, Male Dominance and Capitalism,” nasa Capitalist Patriarchy and the Case for Socialist Feminism, ed. Zillah Eisenstein (New York: Monthly Review Press, 1979).

[9]     Santiago, p. 11.

[10]    Mary Daly, The Church and the Second Sex (Boston: Beacon, 1985); ­­­­­­­­­­­­­­­_____________, Gyn/Ecology: The Metaethics of Radical Feminism (Boston: Beacon, 1978).  

[11]    Rosalinda Pineda-Ofreneo etal., Feminist Theories and Movements (Quezon City: UP Open University and UP CSWCD, 1997), pp. 93-94. Maaaring ring basahin ang Maria Luisa CAmagay, Working Women of the 19th Century (QC: UP Press, 1995), Kabanata sa Maestras.

[12] Itinuturing si Leona Florentino bilang “first full-time Filipino woman of letters” samantalang si Magdalena Jalandoni naman ang pinakaunang nobelistang Filipina ng bansa. Ang kanilang maiksing talambuhay ay mababasa sa http://www.panitikan.com.ph/criticism/thewriterandherroots.htm

[13]    Nabanggit sa Lilia Quindoza-Santiago, Sa Ngalan ng Ina (Quezon City: UP Press, 1997), pp. 7-8.

[14]    Nasa Ruth Robbins, Literary Feminisms (London: Macmillan, 2000), pp. 7-8.

[15]    Rosario Torres-Yu, Sarilaysay (Pasig: Anvil, 2000), pp. 2-3. 

[17] Ang mga tulang “Pag-iisa,” “Mga Batang Taludtod,” at “Isang Tulang Haka kay Hen. Antonio Luna” ang napasama sa koleksyon.

[18] Ang dulang “Agnoia” ay ibinatay sa maikling kuwentong “Horoscope” na isinulat ni Eli Guieb

[19]Ang mga babaeng makata at fiksyunista na napasama sa koleksyon ay sina Filonila Abordo, Carmen Acosta, Mila Aguilar, Rosalia Aguinaldo, Filomena Alcanar, Paquita Alejandro, Trinidad Alvarez, Eden Apostol, Corazon Arceo-Entrada, Liwayway Arceo, Natalia Baltazar, Joi Barrios, Lualhati Bautista, Mary Ruby Beltran, Merlinda Bobis, Cecelia Caquingin, Teresita Capili-Sayo, Lucila Castro, Remedios Cayari, Olivia Cervantes, Emma Maria Cristina, Teresita Arce Cruz, Ma. Assunta Cuyengkeng, Amor Datinguinoo, Simeona Decena, Susana De Guzman, Mariett Dichoso, Gregoria De Jesus, Nieves Baens Del Rosario, Genoveva Edroza Matute, Ma. Gloria Esguerra, Evelyn Estrella, Lucia Valentin Eusebio, Rowena Penaflor Festin, Zenaida Arcega Flores, Fanny Garcia, Mila Reyes Garcia, Flor Condino Flores, Gloria Villaraza-Guzman, Aida Paredes Hombrebueno, Virginia Ignacio, Rose Latoga Jao y Labayo, Leonila Gatmaitan Jose, Mercedes Jose, Marra Lanot, Francisca Laurel, Rosario de Guzman-Lingat, Rosario Cruz Lucero, Ruth Elynia Mabanglo, Pilar Manalili-Garcia, Teresita Manaloto, Luz Maranan, Jovita Martinez, Francine Medina, Loreta Medina, Noemi Medina, Edna Mercado, Vicenta Navarro, Ma. Magdalena Novella, Pilar Pablo, Jean Page, Ma. Belen Paloma, Aurora Payad, Rosalinda Pineda, Lilia Quindoza Santiago, Maria Ramos, Ma. Elnora Roca, Cleothilde Reyes, Ligaya Rubin, Aida Santos-Maranan, Benilda Santos, Cristeta Santos, Lady Ana May Sia, Luna Sicat, Priscilla Supnet-Macasantos, Lorena Tariman, Ivy Catherine Tomenio, Ma. Luisa Torres, Lina Flor Trinidad, Veronica Uy, Adela Vera, Anacleta Vilalcirta-Agoncillo, Sofia Viray, at Ma. Jovita Zarate.

[20] Binubuo ang koleksyon ng mga tula na nasa wikang Tagalog, Ingles at Ilokano. Kasama sa listahan sina (Tagalog) Gregoria De Jesus, Filomena Alcanar, Zenaida Arcega Flores, Edna Mercado, Eden Apostol, Maria Ramos, Ligaya Perez, Margarita Francia Villaluz, Gloria Villaraza Guzman, Fanny Garcia, Emelita Perez Baes, Flor Condino Gonzales, Rhea Cabrera, Romina De Los Reyes, Clarita Roja, Marua Luisa Torres, Marra Lanot, Rosalinda Pineda, Ruth Elynia Mabanglo, Ruby Gamboa Alcantara, Ligaya Rubin, BS Amor, Nena Gajudo, Aida Santos, Chit Balmaceda-Gutierrez, Estrella Consolacion, Adora Faye De Vera, Priscilla Supnet Macasantos, Lilia Quindoza Santiago, Lualhati Bautista, Anna Maria Gonzales, Maria Michaela Sanchez, Joi Barrios, Merlinda Bobis, Luz Barca Maranan, Lucia Makabayan, Rowena Penaflor Festin, Maria Jovita Zarate, Zelda Soriano, Benilda Santos,  (Iloko) Leona Florentino, Enriqueta De Peralta, Antinia Marcos Rubio, Ursula Villanueva, Cresencia Dela Rosa-Domingo, Pacita Saludes, Florentina Somera, Hermilinda Lingbaoan, Alice Almario, Mercedes Magno, (Ingles) Angela Manalang Gloria, Tarrosa Subido, Tita Lacambra Ayala, Mila Aguilar, Maria Lorena Barros, Nieves Benito Epistola, Lucila Hosillos, Denise Chou Allas, Anna Leah Sarabia, OH Tipon, Elizabeth Lolarga, Migen Osorio, Ophelia Alcantara Dimalanta, Merlie Alunan Wenceslao, Marjorie Evasco, Christine Godinez Ortega, Fanny Haydee Llego, Grace Monte de Ramos, Karina Africa Bolasco, Lina Sagaral Reyes at Ma. Luisa Aguilar-Carino.   

[21]Kabilang sa mga kuwentong-buhay ay kina Anacleta Villacirta-Agoncillo, Liwayway Arceo, Amelia Lapena Bonifacio, Gloria Villaraza Guzman, Genoveva Edroza Matute, Lualhati Bautista, Fanny Garcia, Sol Juvida, Marra Lanot, Rosario Lucero, Elynia Mabanglo, Rosalinda Pineda-Ofreneo, Lilia Quindoza-Santiago, Aida Santos, Rebecca Anonuevo, Glecy Atienza, Mayette Bayuga, Joi Barrios, Benilda Santos at Luna Sicat. 

[22] Elaine Showalter, “The Female Tradition,” nasa Feminisms: An Anthology of Literary Theory and Criticism, ed. Robyn Warhol and Diane Herndl (USA: Rutgers, 1991), pp. 269-288.

[23] Benilda Santos, “Ang Panitikan ng Kababaihan at Ang Rebisyon ng Pambansang Panitikan,” nasa Daluyan, 4 (1997): 459-498.

Tangan-tangan ang paniniwalang hindi nyutral na espasyo ang katawan, lalong higit sa isang patriyarkal na lipunan, tinalakay ng The Power of Appearance: Beauty, Mimicry and Transformation in Bicol ni Fenella Canella, Katawan… Katawan… Oh… Katawan: Sexism and Body as Reflected in Student’s Emails ni Ana Ebo, Weekly Smorgasboard of Feminine Pleasures ni Marjorie Evasco, Romancing the Otherness of Woman ni Rosario Lucero at Rosanna Roces at ang Maingay na Babae ni Rolando Tolentino ang samut-saring danas, sekswalidad, imahen / representasyon ng babae, lalaki at maging ng mga bakla sa iba’t ibang anyo at porma ng kulturang popular sa Pilipinas.

 

I. Cannell, Fenella. “The Power of Appearance: Beauty, Mimicry, and Transformation in

Bicol,” nasa Discrepant Histories: Translocal Essays on Filipino Culture.Vicente Rafael, ed. (Quezon City: ADMU, 2001), pp. 223-256.

 

May mga mukha (ng Bikol) na sumasailalim sa isang pagtatanghal — ng panggagaya at imitasyon — (partikular ng anumang ‘maganda’ na madalas sa hindi ay iniuugnay sa bansang Amerika) bilang paraan upang magkaroon ng kapirasong Amerika (at ang mga kapangyarihang kaugnay nito). Sa proseso, nagkakaroon ng pagbabagong hitsura/mukha ang Kabikulan.

            Bagaman tinatalakay ng buong sanaysay ang ukol sa iba’t ibang uri ng pagtatanghal mula sa simpleng kantahan at sayawan habang nagtatanim o anumang kasiyahan, amateuran (ang aktwal na patimpalak sa kantahan), mas bibigyang pansin sa papel na ito ang “Gay Beauty Contest” na nauuso na rin sa agrikultural at sagrado Romano Katolikong lugar na ito at ang natatanging ‘kagalingan’ sa larangan ng paglikha ng maganda at kagandahan ng mga bakla.   

            Ayon sa akda ang depinisyon ng bakla (sa Pilipinas) ay kaiba sa gay ng Kanluran dahil kinokonsidera nila ang kanilang sarili bilang lalaking may pusong babae at may gusto sa mga lalaki, mahilig magdamit na pambabae at gumagampan ng mga papel na pambabae (hindi tulad sa kanluran kung saan ang gay ay yaong homosexual na may gusto sa kapwa homosexual). Dagdag pa rito, sinasabi ng sanaysay na mas gusto nila ang ‘urban’ na pamumuhay kumpara sa agrikultural; madalas ay nagtratrabaho sila bilang katulong o magtatayo ng parlor; ikinakahon rin sila bilang magaling sa panggagaya; malikhain

            Sa kanilang pagsali sa nasabing patimpalak, importante sa kanila ang rekognisyon na sila’y mukha o kakumbinsing-kakumbinsing mga babae (ang sining ng panggaya ng paglalakad, pagngiti, pag-pose at pagsasalita ng Ingles); sa ganitong mga pagkakataon, nakararamdam diumano sila ng kaligayahan hindi lamang dahil mukha silang babae bagkus ay nagiging star o bida sa mga sandaling iyon.

            Sa ganitong mga patimpalak rin, bagaman mayroong mga hindi buong-buong tinatanggap ang mga bakla, naroon naman ang pagkamangha sa angkin nilang panggagaya at kagandahan.

            Ang buong ito’y hindi nalalayo sa konsepto ni Bahktin na carnivaleque, kung saan ang mga madalas na pipi at isinasantabi ay nagiging sentro ng paningin at atensyon ng mga manonood. Sabi nga’y nagiging star o bida sila kahit sa gabing iyon. Hindi makakailang isang espasyo ito upang igiit ang sarili kahit sa isang gabi lang. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng kanilang ‘artipisyal’ na ‘kagandahan’ at glamour, nakukuha nilang maging angat sa iba batay sa ilusyon hindi lamang ng kagandahan bagkus maging ng ilusyon ng maganda at masaganang buhay (mula sa kasuotan, alahas at Ingles na pagsagot sa mga tanong).    

            Sa loob ng isa o ilang gabi, makikita ang kanilang kinang at kapangyarihang aliwin at pamanghain ang kanilang manood. Sa loob ng gabing iyon, nakatatawag sila ng pansin dahil din sa kanilang ingay, na maituturing bilang isang uri ng kapangyarihan, napapatingin ang lahat; nagkakaroon sila ng boses kahit pang sabihing ‘ingay’ nga lamang ang mga ito.

At sa loob ng gabing iyon, mas lalong tumitingkad ang kanilang kapangyarihan sa salitang ‘apir,’ isang gay slang, na nangangahulugan ring lumabas o magpakita (appear at hindi na up here na orihinal nitong ibig sabihin). Dahil sa gabing iyon, niyayanig nila ang kaayusang itinakda ng patriyarkiya at pinoposisyon ang sarili bilang sentro ng lahat.

       

II. Ebo, Ana. “Katawan… Katawan… Oh… Katawan: Sexism and Body as Reflected in

Student’s Emails,” nasa Body Politics: Essays on Cultural Representations of Women’s Bodies. Odine de Guzman, ed. (Quezon City: UP University Center for Women’s Studies, 2002), pp. 152-170.

 

Sa pamamagitan ng sistemang email, layunin ng pag-aaral na ito na basahin hindi lamang mga sulat ng mga estudyante ukol sa kani-kanilang pananaw sa konsepto ng katawan at kani-kanilang karanasan sa seksismo, bagkus ay ang “pagbasa” rin sa mga account names na kanilang ginawa sa proseso ng pagliha ng email.

Ilan sa mga pangalang nakatawag ng aking pansin ang Boobsieme_19 (babae), Cariza_ganda (babae), Bodywow2001 (babae), Greatlover_hot (lalaki), Lasingako (lalaki) at Superman123 (lalaki). Kapansin-pansing iniuugnay ang pangalang pinili ng mga babae sa iniaasahang maganda at kaakit-akit para sa babae. Halimbawa na lamang ay ang pagiging pisikal na maganda, seksi (dahil sa salitang ‘wow’) at ma-boobs. Samantalang mapapansing ang pangalan ng mga lalaki ay pawang nagpapakita ng mga katangiang nagpapakita ng kanilang pagkalalaki. Halimbawa na lamang ay pagiging ‘magaling’ na mangingibig na may konotasyong sekswal, ang kakayahang at permisong maglasing, at ang pisikal nitong kalakasan.

Batay sa mga email na ipinadala ng mga estudyante, kapansin-pansin na hindi nab ago sa kanila ang pang-araw-araw na pkikipagtunggalian sa mga macho at seksistang mga pahayag mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Nariyan halimbawa ang hayagang pagsabi ng mga propesor “na ang mga babaeng may malaking hinaharap ay umupo sa harapan” o dili kaya’y mga propesor na nagsasabing “hindi ibabalik ang nakompiskang cellphone kung hindi makikipag-date.”

Ilan din sa mga lumabas na usapin ay ukol sa ideyal na katawan, partikular ng babae. Nariyan ang obsesyon sa kanilang timbang at ang diin sa kapayatan. Bagaman ang ideyal na sukat ay 36-24-26, nagbabago pa rin ito sa bawat panahon. At ang nakakatakot pa nga, lalo na sa kasalukuyang panahon, ay ang diin sa mas payat na imahen. Ayon nga sa isang sipi, “Ni hindi na ako kumain, dahil nga takot na akong tumaba…” Dagdag pa rito ang sinabi ng isa na, “Pangarap ko kasing maging model…

Kapansin-pansin rin ang paglikha ng katawan ng babae bilang object. Tinitignan ang katawan, partikular ng babae, bilang premyo na maaaring makuha at nais angkinin. Kung kaya, ganoon na rin lamang ang diin upang ihulma ito upang mang-akit. Sa kabilang banda, ang kapusukang ito ay nagiging dahilan rin ng harassment sa kanila. Nariyan at ikinuwento na “Sawang-sawa na ako sa kakasipol ng mga tambay… minsan may kanta pa… (ng) Hagibis…” Dagdag pa ang konsepto sa buntis na katawan na nakakasira ng ideyal na katawan ng babae. Ayon pa nga sa isang email, “Pabiro sabi nya (asawa) para raw akong butete.”

Sa kabuoan, naging midyum ang email na ito upang diskursuhin ang katawan bilang espasyo at lugar-kapangyarihan. Ang katawan na maaaring maging midyum ng opresyon at / o liberasyon. Bagamat hindi ikinakailang sa pamamagitan ng gahum ng patriyarkiya ay pinipipi nito ang madaming kababaihan (sa tulong na rin ng iba pang kababaihan na may patriyarkal ding pag-iisip); kung saan ang pagtahimik ay itinuturing na isang “magandang” katangian ng isang babae subalit nagpapahiwatig naman ang kanyang kawalan ng boses sa kawalan din ng kapangyarihan. Sa kabilang banda, sa proseso ng pagdiskubre sa kapangyarihan ng patriyarkiya ay ang pakikipagtunggali rito upang bigyang boses ang sarili at angkinin ang sariling katawan; kung saan ang kanilang sekswalidad ay hindi likha lamang ng pangangailangan ng maka-lalaking lente bagkus ng indibidwal mismo.

 

III. Evasco, Marjorie. “Weekly Smorgasboard of Feminine Pleasures,” nasa Reading Popular

Culture. Soledad Reyes, ed. (Quezon City: ADMU Office of Research and Publication, 2002), pp. 165-176.

 

            Umaalingawngaw sa sanaysay ang patriyarkal at de-kahong imahen ng babae sa loob at labas ng mga women’s magazine; mula sa makintab nitong pabalat na pinagmomodeluhan ng babaeng ideyal hanggang sa mga artikulo at patalastas sa loob nito.

Kapansin-pansin ang pananaig ng mga ‘positibong’ katangian ng mga babae katulad ng pagiging inosente, mala-birhen, madasalin, tahimik, matiisin, tapat, mapagbigay sa pamilya, at iba pa. Sa kabilang banda, nariyan naman ang imahen ng ‘masama / negatibong babae’ bilang maingay, mahalay, mang-aakit, puta at iba pa.

            Ayon kay Soledad Reyes may tatlong elementong madalas na makikita sa mga ganitong babasahin: ang pagiging madaling basahin, samut-saring paksa at ang iba’t ibang paraan na gumagabay sa mga babae sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Halimbawa na lamang ng pangatlo ay ang mga artikulo (kasama pa ang mga patalastas na produkto rin ng mga kaparehong partiyarkal na pagpapahalaga) ukol sa pakikipagrelasyon, pag-ibig, stress, depression, pagpapaganda, fashion, pamilya, bahay, entertainment at iba pa. Mahihinuha sa pamamagitan nito na animo’y ito lamang ang mga isyu at preokupasyon ng mga babae sa araw-araw: mga petty, personal at pribadong mga usapin lamang na labas sa pampulikong larangan na madalas sa hindi ay iniuugnay bilang mundo naman ng kalalakihan.

Kapansin-pansin rin na ang depinisyon ng isang achiever na babae ay hindi lamang magaling sa napili niyang propesyon bagkus nagagampanan rin niya ang kanyang napakalaking papel sa loob ng kanyang tahanan bilang ina at asawa; sila ang mga makabagong babae.

Sa kabilang banda ay isa pang imahen ng babae na mdalas itampok: ang mga babaeng glamorosa na walang pinagkakaabalahan. Sila yaong kabilang sa elite na habang ‘naghihintay’ ng mayamang kauri na mapapangasawa ay nagiging abala sa high fashion at pagbiyahe. Sa pamamagitan niya, hinahabi ang ilusyon at pantasya ng mambabasa ukol sa prinsipe at “happy ever after.”

Hindi rin makakaila na ang mga babasahing ito ay bulag rin, hindi lamang sa usapin ng kasarian-kayarian, bagkus maging sa isyu ng uri (class). Kunga saan imbis na kuwestiyunin ang samut-saring kahon at pader na kinahaharap ng isang babae, preokupado ang mga magasin sa pagbigay ng mga ‘remedyo’ sa mas malalaking problema. Halimbawa na lamang ay pagbibigay ng tips para makaiwas sa stress dulot ng labis na trabaho bagkus ang pagpapaliwanag kung bakit mababa ang kanyang sahod.

Ganito man ang kondisyon ng mga women’s magazine, hindi makakailang maaaring suungin at pag-aralan pa ang larangang ito upang punahin at baguhin. Ayon nga kay Tania Modleski, sa kanyang pagsipi kay Raymond Williams, “understand precisely the production… and modes of communication right inside the form… (and that) the critical view that can provide genuinely new insights into (the) mass culture… (and inject a) feminist one.” Nangangahulugan na hindi lamang simpleng magiging tagapanood ang mga babae / feminista, at hayaang maging biktima ng ganitong imahen at mito, dahil maaring maging espasyo rin ang mga babasahing ito upang tunggaliin at ilantad ang misohinistang mga pananaw.

 

IV. Lucero, Rosario. “Romancing the Otherness of Woman,” nasa Reading Popular Culture.

Soledad Reyes, ed. (Quezon City: ADMU Office of Research and Publication, 2002), pp. 145-154.

 

            Ang sanaysay ay nakapokus sa apat na nobela:Ano nga ba ang Pag-ibig?” (1983) ni Emelita Perez-Baes, “Isang Milyong Pisong Babae” (1983) ni Lualhati Bautista, “Ang Hiwaga ng mga Taong Puti” (1983) ni Rodie Martin Merin at “Paola” (1988) ni Zoila. Binigyang pokus ng sanaysay ang (1) merkatilismong kaisipian, (2) ang romantikong eupemismo, (3) ang pagsasailalim ng babaeng tauhan sa lalaki, (4) ang kapangyarihan ng babae sa lalaki at gayundin ng lalaki sa babae at (5) ang relasyon ng babae sa isa’t isa.

            Sa unang nobela, ipinapakita ang samut-saring pagsubok na kailangang pagdaanan ng mga maniligaw ni Cherie upang ipakita ang pagkadalisay ng kanilang intensyon. Dagdag pa rito ang pagsabi ni Cherie na kailangan siyang bigyan ng orchid bilang patunay ng kanilang pag-ibig sa kanya; ang orchid bilang isang rare na bulaklak, mahal at mahirap hanapin. Sa ikalawang nobela’y mas pinili ng tauhang si Evelyn na “sumandal sa pader’ sa pamamagitan ng pagpili kay Bing, isang milyunaryo, kaysa sa isang manliligaw na nakatira katulas niya sa iskwaters area. Sa ika-apat na nobela, naging produkto ng palitan ang tauhang si Paola sa pamamagitan ng planong ipapakasal siya ng kanyang ama sa business partner nitong si Edwin. Ang rationale diumano’y upang matiyak ang negosyong ipinundar ay hindi mapapabayaan. Dagdag pa rito, sa dulo’y kailangan na lamang tanggapin ni Paola ang utos ng ama dahil ang pagsuway rito’y may katumbas na parusa (sa gabi ng kanyang kasal ay tumakas si Paola at namuhay sa Tondo; bagaman nakapagpatayo ng sariling negosyo’y naikasal sa isang lalaking baog. Sa dulo’y matatantiya niyang tama nga talaga ang kanyang ama (“Father knows best.”). ‘Pinarusahan’ din siya ni Edwin sa pamamagitan ng hindi na pagpansin sa kanya kinalaunan. Sabi pa niya, “deserving siyang layuan… nakakasakit sa babae na maramdamang ipinagwawalang bahala siya… mahalaga na mabigyan ng pansin at importansiya ng isang lalaki.”

Sa kanilang banda, may mga pagkakaton din naman na naippakita ng babae ang kanyang kapangyarihan at kontrol sa lalaki. Halimbawa minsan nang sinabi ng manlilagaw ni Cherie sa (“Ano ba…”) na, “ngayon lang ako nakaranas ng ganito… I feel useless. Parang hindi ganap ang pagkalalaki ko…” Ganumpaman, kapansin-pansin pa rin na ang kanilang kapangyarihan ay gakuko at trivial lamang kumpara sa lalaking tauhan.

Mababasa rin sa mga akda ang patriyarkal na kaisipan na ang babae ay isang pag-aari at siya ay tagapangalaga lamang ng kanyang kapurihan hanggang sa maaari na itong ibigay. Kaya naman labis-labis na lamang ang pangamba na naramdaman ni Cherie nang siya’y gahasain dahil baka wala nang lalaking maaring magmahal sa kanya. Sa kabilang banda, ang pagbibigay ng puri bilang patunay ng pagsuko ng babae sa lalaki upang makuha ang pag-ibig nito. Ganito ang ginawa ni Evelyn kay Bing nang hindi na siya sigurado kung ano ang tunay na nararamdaman ni Bing sa kanya.

Panghuli, makikita sa mga babasahing ito ang di-pantay, bagkus ay makompetisyong relasyon ng babae sa kanyang kapwa babae. Nariyan ang laging pagduda sa kapwa bilang karibal maliban kung naging magkaibigan ang dalawa kinalaunan o dili kaya’y sumuko na sa pabibigay ng pagtingin sa lalaki. Kapansin-pansin rin ang papel na ginagampanan ng mga nanay sa kuwento; madalas silay’y walang mga tinig, amen lamang ng amen sa pasya ng kanilang asawa at kakatwang isipin na kaya nagmimistulang masaya ang pagsasama ng kanilang asawa ay dahil sa ganitong disposisyon ng babaeng asawa.

Matapos suriin ang mga nobela, walang dudang dapat lamang na ilantad at hamunin ang mga misohinistang pagtingin na makikita sa loob nito at sana, kinalauna’y malangkapan ng feministang kaisipan dahil hindi matatawaran ang lawak at impluwensiyang ng babasahin ito sa kanyang mambabasa.

 

V. Tolentino, Rolando. “Rosanna Roces at ang Maingay na Babae,” nasa Richard Gomez at ang

Mito ng Pagkalalake, Sharon Cuneta at ang Perpetwal na Birhen at iba pang Sanaysay ukol sa Bida sa Pelikula Bilang Kultural na Texto. (Pasig: Anvil, 2000), 83-101.

 

            Layunin ng sanaysay na talakayin ang (1) kinahinatnan ng mga naunang sumuway sa imahen ng ‘mabuting’ babae, (2) ang pag-unlad ng pelikulang bomba sa bansa at (3) ang Osang kapangyarihan ni Rosanna Roces bilang sex goddess, walang takot kung maghubad at magpakita ng katawan, maingay na boses, prangka at candid na pagsagot ukol sa sex, liposuction, surgery at iba pang taboo na sabihin at gawin ng isang babae.

            Ang arketipo ng Eva, bilang babaeng mapang-akit at makasalanan (dahil sa ginawang pagtukso kay Adan), ang tuntungan ng mga bold star sa pelikula. Sila ang representasyon ng mga babaeng may hayag na sekswalidad. Sa kasamaang palad, kapalit ng pagppahayag nito’y gahasa at kamatayan katulad na lamang ng tatlong pelikulang pinag-arlan noong 1991, ang “Hinukay ko na ang Libingan mo,” “Kislap sa Dilim,” at “Ang Katawan ni Sofia.”

Sa banghay ng mga nasabing pelikula, nakanasan ng animo’y pagkakapon ang mga lalaking asawa nang gahasain ng kanilang asawa, dahil sa natamaan ang kanilang machismo, natanggalan sila ng phallus at ang paraan ng kanilang pagkuha sa nawalang kapangyarihan ay pag-torture sa asawa, pagkuha ng kerida at / o muling paggahasa asa asawa.

Mapapanood rin na ang babae, matapos ang karahasan, ay iiwanang mag-isa upang iproseso ang karahasang naganap sa kanya. Sa loob ng relasyo’y nananatili silang tapat;  manlaban man sa mga nandahas ay muling manghihina sa harap ng asawa upang sa dulo’y ito na ang makapaghiganti sa kanila (ala-damsel-in-distress). Halimbawa, minachine gun ng lalaki ang gang na nang-rape sa asawa, binuhusan naman ng kumukulong tubig ang ari ng lalaking lumapastangan sa asawa at sa tulong isang lalaking kaibigan ay nagsampa ng kaso.

Sa bahagi naman ng mambabasa, ang gahasa sa mga palabas na ganito ay nagmimistulang uri ng pamboboso na sa proseso’y hindi rin nalalayo sa paglapastangan sa karapatan ng babaeng sinasamantala.

Sa pelikulang “Isang Gabi, Tatlong Babae,” mapapanood din ang lagi’t laging katapusan ng mga babaeng lumabas sa kumbensyon ng lipunan: kamatayan sa pamamagitan ng suicide, pagpatay at impeksyon. Si Cristina Gonzales sa kuwento ay nakonsiyensiya at nagpatiwakal, si Tetchie Agbayani na naghanap ng iba’t ibang makakasiping (dahil ginagawang parausan lamang ng asawa) ay makikitang nakalutang na bangkay na lamang at si Ruffa Gutierrez na nakunan sa pagtakbo papuntang simbahan upang masilip ang kasintahan napikot ng iba ay babalik sa pagsasayaw sa entablado at mamamatay dahil hindi naraspa. Maaaring tingnan ang pagpapakamatay ng mga babae bilang paglaya sa patriyarkal na sistemang kanilang kinasasadlakan, subalit isa rin itong paraan upang patahimikin sila o bilang banda na sumunod sa panlipunang kaayusan.

Kung babaybaying muli ang landas na tinahak ng mga bomba films mula dekada 60 hanggang panahon ni Rosanna Roces (mula orihinal na bomba, bold na wet look, bold na daring, Fighting Fish at pene, ST at TF o TF), bagaman nagbabago ang hitsura ng mga babaeng nagbibida (mula sa mestisa, sa morena o kayumangging kaligatan, pagiging menor de edad, Amerasian, kolehiyala, at iba pa) ang layunin sa paglikha ng mga pelikulang ganito’y pareho: ang magtago at magpakita ng laman ng babae, at ang pagkakaroon ng sekswal na kamulatan at karanasan nila. Samakatuwid, kakikitaan ang ganitong mga pelikula ng walang katapusang tuksuhan, paliligo, halikan at sex.

Panghuli, magandang pag-aralan ang imahen ni Osang bilang maingay na babae. Sa pamamagitan ng kanyang talkshow (Startalk) binibigyang boses at kapangyarihan ang isang babaeng madalas ay kinokonsiderang ‘other’ dahil sa imaheng kanilang ipinapakita sa publiko. Sa pamamagitan ng kanyang pagsasalita, nakikita ang potensiya ng boses niyang yanigin o pasakitan ang nakagawiang order o sistema sa pamamagitan ng halimbawa, pagbanggit ng mga double meaning. Sa pamamagitan ng kanyang mga sekswal na tono at pananamit, kung saan ang bawat pagtaas ng binti na naka-mini skirt, ay isang paraan upang ilagay ang sarili sa sentro, na bagaman panandalian lamang, hindi pa rin matatawaran ang lawak ng impluwensiya.

           

PANGWAKAS

Ang depinisyon ng babae, partikular sa loob ng isang patriyarkal na lipunan katulad ng Pilipinas, ay (madalas na) iniuugnay sa lalaki. Ang kanyang ka-ako-han ay nakabatay sa pagpapakahulugan sa lalaki: sa pamamagitan ng kanyang pagiging iba dito (at hindi ang kabaliktaran nito). Itinuturing bilang ekstensyon lamang, kinuha sa tadyang ni Adan. Sila ay sekundaryo, di-esensyal at insidental. Sila ang madalas na itinuturing bilang pasibo at kimi, ang buwan, ang kalikasan, ang puso at ang emosyon. Sila ang 0 (zero) sa Boolean number[1]. Kung saan ang bilang na 1 (isa) ay katumbas ng kalalakihan. Ang 1 (kasama ang iba pang matutulis na konsepto) ang simbolo ng phallus, ang lalaki sa sikolohiya ni Freud. Sila ang “I”, ang “Ako”, ang “Sentro”, ang “Amo” sa pilosopiya ni Hegel. Sila ang binibigyang prebilehiyo, sila ang binibigyang halaga. Samantalang ang bilang na 0 (kasama ang iba pang mga konseptong iniuugnay sa butas), ang babae, ang “other”, ang “sila”, ang “nasa gilid”, ang “alipin.”

Sa kabuuan, hindi matatawaran ang ‘tapang’ ng mga sanaysay na ito na talakayin ang usapin ng sekswalidad lalong higit sa ating lipunan na itinuturing ito bilang taboo, bawal at / o bastos. Sa pamamagitan ng mga babasahing ito, pinagyayaman ang diskurso ukol sa pulitika ng katawan; ang katawan bilang isang hindi nyutral na espasyo. Dagdag pa rito, sinisikap na rin ng ilang babsahin na umalpas sa diskursong sa ilalim ng gahum ng patriyarkiya ang katawan ng isang babae ay lagi’t laging biktima, bagkus sa ilang mga pagkakatao’y inilalagay sa sentro ng diskurso ang kapangyarihan ng mga katawang ito na kuwestiyunin at hamunin ang patriyarkal na pagpapahalaga.

[1] 101010101. Ito ang Boolean number, ang wika ng computer. Sinasabing lahat ng impormasyon na iniimput sa computer ay may katumbas na numero: maaaring 1 (on) o 0 (off). Sinusundan nito ang lohika ng matematika kung saan ang 1 ay katumbas ng “pagkakaroon”, ng “pagiging narito”; sa madaling salita, may value o halaga. Sa kabilang banda, kabaligtaran naman nito ang bilang na 0. Ito ay ang “pagiging wala” o ng kawalan ng halaga.

My Red BumbleBee Shades

nowadays, i like wearing my red bumble bee shades…. thanks to my nanay, ibinigay niya sa akin ang kanyang favorite glasses… winner (hindi lang dahil libre, pero mahal kasi hehehe cant afford the Coach Brand kahit patayin ko pa ang sarili ko sa pagtratrabaho. i mean, hindi na siguro ako kakain at mamamasahe at magbabayad ng personal bills)!

seriously, i’m loving that shades. hindi lang dahil sa fashion statement siya, na obvious naman na OO, kung hindi dahil sa function and color. kesehodang wala akong makita (yup malabo ang mata ko, ranging from 350 to 375 ang grade ng bawat mata ko), basta isusuot ko yun. hahahaha and here i am stating na function ang purpose ng shades na yun.

its red … my illusion na power, passion, love, prosperity and other synonyms. well, illusion lang naman :) i mean, i have to attract all the good energy and vibes i could have this 2009. i really love that color (used to actually). ewan, biglang nawala ang magic ng red sa buhay ko… kaya ngayon, kahit tinge of red kailangan meron na talaga…

i like its shape and size. malaki. ewan… nakaka-create din ng illusion. i mean, i could always sport a smile, pretend to be ok and happy-happy but my eyes will say otherwise….

May libreng palabas sa perya
Charity Ward ng Banaue:
mga pasyenteng animo’y akrobat
nakalambitin ang paa
sa ere,

atraksyon sa kanan ang babae
mala-dyesebel ang mga paa,

sa kaliwa’y isang binatilyo
talangka kung maglakad.

*******

Hindi mga pugot na ulo
na tila medalya’t diploma
ang sasalubong sa iyo sa Banaue
bagkus, mga spare parts
hindi ng kotse
kundi mga binti at paa ng mga tao —
nakalambiting parang pata ng baboy
sa palengke; naka-display upang ilako:
Disinuebe mil ang bawat isa,
custom-made, gawa sa fiber glass.

*******

Parang kakataying baboy
na inilapag sa mesa
ang kapatid ko.
“Lagari,” sabi ni dok
At pinutol ang kanyang kaliwang tuhod,
animo’y sahog sa Bulaluhan,
karinderyang katapat ng ospital.

Psychosis 1

Isang bloke ng kahoy ang kumakausap sa akin
tuwing nakaharap ako sa salamin:

Ikaw ang eskultor ng iyong sariling katawan.
Ituring ang pagduwal matapos ang bawat pagkain
ay isang paglikha:

Hayaan mong mag-usap
ang iyong ngala-ngala
at kinakalyong hintuturo
bilang pagsisimula ng paglilok —
ang bawat pagbuwelo sa luwa
animo’y paet na pinapalo ng martilyo,
tinatapyas ang sobrang taba
sa braso, tiyan at binti.
Inspirasyon ang imahen ng mga ideyal:
ng mga kinahong diyosa at diwata
ng sabon, radio at telebisyon.

Ang pagluwa ay pagluwal ng bagong ikaw.

Pagbigti

(para kay pao)

 

Halos habol hininga ako

na nagising noong isang hatinggabi

nakapalupot na lubid

sa aking leeg

ang aking buhok :

 

Pinilit kong pumiglas

sa nananakal na hibla ng alaala

ng gabing sinusuyod ng iyong mga halik

ang aking baba, batok at balikat

Kinakalas ko ang pagkakabuhol

ng mga nilubid mong pangako

ngunit huli na ang lahat —

 

Agaw-hininga na nang makita ang sarili,

nakasabit sa kisame ng aking kama.

On running

been running for a week now… ang saya-saya. salamat sa happy hormones! :)

kanina lang nakita ko si Charlie… nakabalik na pala siya (although hindi for good) kais mag-Christmas lang siya sa probinsya at babalik na ulit siya sa New York sa January para tapusin ang disertasyon… hmmmm jetsetter. I like.

Running din ang drama ng mag-asawang Sonny San Juan at Delia Aguilar (nakita sila ni Charlie, kaso hindi ko na na-sight.)

« Newer Posts - Older Posts »