“The Story of O” by Pauline Reage
September 25, 2009 by mic-camba
(repost from my multiply)
violinstrings.multiply.com (august 18, 2009)
Walang katapusang Sado-Masochism, yan ang paksa ng kuwento.
Kalagitnaan na ako ng nobelang ito, pero wala pa rin iyong hinahanap ko sa kuwento. And im losing interest already. Aaminin ko na ‘promising’ ang simula ng nobela, pero hindi nito nasustena ang pananabik ng mambabasa, ako, simula nang tumira/makulong/ikinulong ang bidang tauhan, si O, sa isang mansyon.
Siguro resulta ito ng pagkukumpara sa mga nauna ko nang nabasang mga nobelang may ganitong tema… mula sa “Sleeping Beauty” series ni A.N. Roquelaure (pen name ni Anne Rice) at “Birth of Venus” ni Anais Nin, na kapwa ko nagustuhan. Ganoon pa man, matapos rin ang ilang beses na pagbabasa… numb, desensitized ka na… wala nang epekto. Parang paulit-ulit na ang nagaganap.
Idagdag pa rito ang isyu ng power relations sa pagitan ng uri at kasarian na tatakbo na sa isip matapos ang unang baba ng libro. Lagi’t lagi kasing babae ang kinakadena, binubusalan at nilalatigo. At lagi’t lagi ring lalaki ang nag-uutos o gumagawa ng karahasan sa mga kuwento. Simbolikal na pagkadena, pagbusal at paglatigo sa kababaihan.
Maging sa kuwentong “Story of O,” isang O lamang — simbulo ng puwerta, babae (kabaliktaran ng phallus o anumang patulis) — ang pangalan ng protagonista. Isang simbolo / titik na nagrerepresenta sa kaniyang pagkatao… isa lamang isang sex organ sa buong kuwento. Idagdag pa na, napakageneric, katulad ng X, Y o Z, ang pangalan niya; wala siyang pangalan hindi katulad ng iba pang tauhan sa kuwento.
Bagamat sinasabi na isang malaking hakbang ang paglimbag ng nobelang ito sa ikinasulong ng usaping sekswalidad, lalo na’t kinokonsidera itong taboo at madumi/masama. But, i wish, not at the expense of women.
Nirereinforce lang ng ganitong mga kuwento, katulad ng mga ’kuwento (kung meron man)’ sa pelikulang porno at mga librong Master&Johnson, ang pantasya / mata ng kalalakihan: sila ang in-control, sinusunod, at bulag at tangang tagasunod / alipin/ robot ang mga babae sa bawat iutos at ipagawa.