An Interdisciplinary Analysis of Economic Growth
September 9, 2009 by mic-camba
By Rick Szostak
- Tinatalakay ng papel na ito ang paggamit ng iba’t ibang disiplinang pang panlipunang agham upang maintihan nang mabuti ang galaw ng ekonomiya.
*************
(magpopokus ang pagbabahagi sa mga aspektong interdisiplinaryo na maaaring gamitin sa pananaliksik)
- Sa pamamagitan ng pagiging interdisiplinaryo -aaral, nagiging holistiko ang pag-aaral; tandaan na ang bawat disiplina ay may limitasyon kung gayon, sa pamamagitan ng interdisiplinaryong pag-aaral, napupunan ang mga puwang ng iba pang mga disiplina.
1) Mahalagang matukoy ang isang pang-interdidiplinaryong tanong
Ø sa economics, hindi lamang pagsusuri ng numero ang mahalaga bagkus ay lalangkapan ng panlipunang pang-agham, halimbawa sociology at political science
2) Kailangan magtukoy ang mga pinakamahusay na teorya, metodo at/o penomena na maaaring gamitin sa pagsagot sa pang-interdisiplinaryong tanong.
Ø isang hamon ang silid-aklatan dahil ang pag-catalogue sa mga aklat ay nakabatay sa espesipikong disiplina
Ø isaisip na may mga metodo na mas angkop na gamitin kaysa sa iba para sa mga espesipikong tanong
Ø pag-evaluate sa kalakasan at kahinaan ng iba’t ibang teorya at metodo kung gagamitin sa pananaliksik
3) Mahalagang matukoy ang kaibahan ng asersyon, asumpsyon at ebidensya. Kailangan din i-factor in ang samut-saring world view o lente na kaakibat ng gagamiting pananaw.
Ø sa economics, importante ang indibidwal at rasyunalidad samantalang sa ibang larangan/disiplina mahalaga ang kilos ng grupo at mga irasyunal na kilos (ang papel na ginagampanan halimbawa ng kultura)
Ø may ibang disiplina na magbibigay-pokus hindi sa unibersalismo ng tao bagkus ay pagkakaiba (halimbawa, pagkakaiba ng karanasan ng bawat bansa at iba pa)
4) Paghahanap ng ‘Common Ground’
Ø maaaring i-redefine o i-extend ng mananaliksik ang depinisyon / terminilohiya na ginagamit ang iba’t ibang disiplina (na maaring, kung tutuusin, ay iisa lamang ang kahulugan)
Ø pag-uugnay ng mga magkatunggaling mga konsepto (maaring gawing isang continuum halimbawa ay rasyunal at / hanggang irasyunal; o dili kaya ay pag-fine tune sa mga teorya o metodo o asumpsyon na gagamitin)
Ø maaring makatulong ang interdisplinaryong mananaliksik bilang tagapag-ugnay o habi sa mga konseptong , kung tutuusin ay iisa lamang ang tinatalakay ng iba’t ibang disiplina
Ø Mga maaaring gamitin:
a) Sa economics, hindi lamang paglalangkap ng teyoretikal na asumpsyon (para umunlad) bagkus maging ang pagkukumpara ng iba’t ibang ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa iba’t ibang panahon, pag-aaral ng mga partikularidad ng bawat bansa, at ang samut-saring kasaysayan / pinagdaanan ng bansa na salik
b) Sa economics, hindi lamang paggamit ng empirical research (na kung tutuusin ay hindi stable dahil magbabago ito depende sa panahon kung kailan isinagawa ang paglikom ng datos) bagkus ay maaaring langkapan ng datos batay sa kasaysayan
c) Sa economics, maaaring i-explore ang iba pang salik ng pag-unlad bukod sa teknolohiya o ang iba’t ibang salik sa pag-unlad ng teknolohiya bukod sa aspektong ekonomiya. Maging maingat sa hasty conclusions at/o one-is-to-one correspondence.
d) Sa economics, maaaring ilangkap / pag-aralan ang konsepto ng kapangyarihan o power play.
e) Sa economics, imbis na pag-aralan lamang ang mga batas at regulasyon, ang mga bawal at hindi, maaaring pag-aralan ang impluwensya ng kultura sa kilos/galaw ng mga institusyon o sa pagdedesisyon ng indibidwal (pag-aaral maging ng rasyunal ay irasyunal na pagkilos/pagdedesisyon ng tao)
5) Mahalaga ring magkaroon ng refleksyon ang mananaliksik
Ø maaari niyang tingnan ang sariling mga biases na nakakaapekto sa resulta ng pananaliksik
Ø may pangangailangan na ibahagi ang pananaliksik