“A Grounded Theory: Construction of Survival and Coping by Women Who Have Survived Childhood Sexual Abuse” by Susan Morrow and Mary Lee Smith
September 25, 2009 by mic-camba
* magpopokus ang pagbabahagi sa prosesong ginawa ng mga mananaliksik na sina Susan Morrow at Mary Lee Smith sa paggamit ng Grounded Theory bilang metodo at hindi ang mga resulta / datos na kanilang nalikom at teyoretikal na modelo na kanilang nalikha.
Ang papel ay umiikot sa karanasan ng 11 kababaihang nakaranasan ng, sekswal na pang-aabuso nang sila’y bata pa. Sa proseso, nais makabuo ng teyoretikal na modelo kung paano nila hinarap ang kanilang naging nakaraan.
Gumamit ng Grounded Theory (GT) upang malikom /makuha ang mga impormasyon. Ang GT ay isang kwalitatibong pananaliksik na may layuning makalikom ng datos, suriin ang mga ito at kinalaulan ay gumawa ng teyoretikal na modelo batay sa nalikom. Kaugnay nito ang pagdebelop ng mga koda, kategorya kaysa sa pagdikta sa mga klasipikasyon; nariyan din ang pagbuo ng mga haka batay sa datos.
Ang sinuring datos sa pag-aaral na ginawa nina Morrow at Lee Smith ay nakabatay sa (1) transkripsyon ng panayam na ginawa, (2) videotape ng 10 – linggong focus group, (3) pagkakaroon ng documentary evidence, kasama na rito ang jornals at iba pang sulatin ng mga pagtisipante. Bahagi rin nito ang pagkakaroon ng follow ups sa mga partisipante at kolaboratibong pagsusuri sa mga datos na nalikom at teyoretikal na modelo na bubuuin.
PROSESO – (1) Pagpasok sa Lugar na Pag-aaralan. Paghingi ng consent, pagpapaliwanag mabuti sa mga kalahok sa kanilang pinapasukan, pagbibigay-diin sa confidentiality at ang posibleng consequence bunga ng paglahok. Sa naganap na pananaliksik, kinailangang magbigay ng pseudonym sa mga kalahok maging ang pangako na mayroon silang pagkakataon na balikan, rebyuhin ang mga datos bago ilimbag ang pag-aaral.
(2) Pagkukuhanan ng Datos – mayroong 60–90 na minutong in-depth, open-ended na panayam. Matapos ang inisyal na interbyu, nagkaroon ng focus-group discussion kung saan ang mga kalahok ay aktibong nagbabahagi ng kanilang karanasan. Sa pagkakataong ito ang papel na ginagampanan ng mananaliksik ay participant-observer; mula sa isang di-gaanong-aktibong paglahok sa simula patungong aktibong paglahok.
- sa pagkakataong ring ito, nagkakaroon ng self-reflectivity ang mananaliksik; itinatala rin niya at sinusuri ang kaniyang mga suhektibong pananaw at mga pagkiling.
- Mayroon ding nilikom na documentary evidence mula sa mga kalahok. Kabilang rito ang kani-kanilang jornals (kabilang na rito ang kanilang mga sining, sulatin noong kanilang kabataan)
(3) Paglikom ng Datos, Pagsusuri at Pagsulat. - Upang maging makabuluhan ang qualitative research, nangangailangan ito ng sapat na ebidensya: (a) sapat ba ang oras na inilagi sa field? (b) sapat ba ang impormasyon na kuha?
- Ang pagsusuri ay magsisimula sa mga datos na nalikom. Kailangang magpakababad ang mananaliksik rito at paulit-ulit na (a) i-sort, (b) i-code at (c) ikumpara ang mga datos. Magsisimula ito sa (1) open coding – pagsusuri sa bawat minuto pahayag ng kalahok, sinusuri ang bawat salita, parirala at pangungusap. Sa pamamagitan nito, nakalilikha ng mga kategorya / labels. Bahagi rin nito ang paggawa ng analytic at self-reflective memos. Ang analytic ay binubuo ng mga tanong, pakiwari at espekulasyon ukol sa datos at sa teorya / modelong bubuuhin. Samantalang ang self-reflective ay binubuo ng personal na tala ng mananaliksik; kasama rito ang kanyang mga reaskyon sa ipinahayag ng mga kalahok. Magkakaroon ng cross-referencing sa dalawang datos na nabanggit. (2) axial coding – pagbubuong muli sa mga pinagpuputol-putol na datos. Sa pamamagitan nito, sinisikap na bumuo at ugnay ang mga kategorya at sub-kategorya sa bawat isa. (3) selective coding – kasama rin ang pag-validate sa mg nakuhang ugnayan ng mga datos, pagpino at pagdebelop pa sa mga ugnayan.
- ilang rekomendasyon pa: (a) kailangan isama bilang critical team / co-analyst ang mga naging kalahok; ang mananaliksik ay di lamang magiging tagapagsalita at ang kalahok ay magiging participant-co-researcher. Bahagi nito ang pag-verify ng mga kalahok ng mga datos / impormasyon na nalikom, pagsusuri sa mga videotapes, pagbigay-suhestiyon sa mga kategorya na binuo at pagdebelop / rebisa sa modelo at teoryang binuo ng mananaliksik. (b) Ipagpatuloy ang konsultasyon sa mga kalahok at colleague; magkaroon rin ng audit trail, isang balangkas na nararatibo ng buong proseso na maaaring balikan at muling pag-aralan.