Second Semester 2008
November 9, 2008 by mic-camba
Sa wakas, matapos ang tatlong araw ay nakapag-enroll na rin ako! Noong lunes, simula ng enlistment, ay hindi nagbigay ng registration material ang kolehiyo — sa kung anumang dahilan, hindi ko alam. Kaya naman, kahapon lamang nagsimula ang aking ‘istasyon ng krus.’ Ang UP, bagaman may CRS o online pre-enlistment, ay notoryus pa rin sa pagiging Universidad ng PIla. Nagsimula ang araw ko kahapon nang sobrang aga. alas-8 ng umaga sa paniniwalang matatapos lahat sa isang araw. Nakakuha naman ako ng enlistment paper; mabuti rin na awtomatiko akong ininroll sa Philippine Studies (PS) 399, kursong kailangang kunin bago ang mga major na asignatura, dahil ito na lamang ang kulang kong pre-req na klase. Subalit, dahil nanghihinayang ako sa 3units lamang para sa isang semestre, ninais kong magdagdag pa ng isa.
Ang siste, kailangan munang matukoy kung aprobado na ang bagong patakaran ng aking programa. Bali-balita kasi na kapag ang MA na degri mo ay Philippine Studies na, hindi na kailangang kumuha pa ng Qualifying Examination. At dahil BA at MA Phil Stud ako, kailangang malaman ko kung aprubado na ang memong ito. Kaya naman, kailangan pang hanapin ang memo at / o maghanap ng mga taong nakakaalam nito.
Kinalaunan, salamat sa Diyos at totoo nga ang balita, hindi na ako mag-Qua-quals. Nangangahulugan na pwede na akong kumuha ng dagdag na klase at tuloy-tuloy na lamang ang pag-enroll.
Subalit ito pa ang dagdag na siste. Kailangan kong literal na mag-shopping ng kurso. Kailangan kasi’y affliate ng Philippine Studies Ph.D Program ang kukunin kong mga propesor. Ibig sabihin, kahit na gusto ko ang kurso o my kaugnayan sa gagawin kong disertasyon, hindi ko maaring kung ang kursong iyon kung hindi ituturo ng gurong affliated sa programa. At ang pinakamahirap pa sa lahat, walang mga kursong kaugnay sa gagawin kong disertasyon.
Natapos ang mga araw ng registration na may 6 units ako: PS 399 (Research Methodologies) at Anthro 186 (Culture and Sexuality)
****************
Batay sa aking Course Program:9 units ng Core Courses
12 units ng Major
9 units ng Minor
6 units Elective
2 Comprehensive Exam (batay sa Major at Minor)
Disertasyon