‘Sining sa Tugma at Sukat (STS)’ ng LIRA sa Taguig
October 30, 2008 by mic-camba
Panlima na itong STS ng LIRA (sa pakikipagtulungan ng National Commission on Culture and the Arts) sa taong ito. Madaming pagkakaton ko na ring pinilit makasama sa proyektong ito na naglalayong magturo ng Tradisyunal na Sukat at Tugma sa Panulaang Filipino. Subalit sa lahat ng mga pagtatangkang iyon, iyon lamang sa Taguig ang nasamahan ko pa lamang.
Ang kick-off ng proyekto ay noong isinagawa ang isang kumperensiya ukol sa tula at pagtula sa University of Santo Tomas, noong Agosto. Mula doon, nakapunta na ng Dagupan (Pangasinan), Mauban (Quezon), Subic (Zambales) at ngayon nga sa Bicutan (Taguig).
*Isusunod na lang ang mga picture…
************************
on a lighter note:
Naligaw ako papuntang Taguig, partikular sa eskwelahan na pagdarausan ng Seminar/Worshop, ang Ma. Asuncion Rodriguez Tinga HighSchool. Naging isang ‘Amazing Race’ ang paghahanap ng nasabing lugar… kung tutuusin, mas masaya pa nga ang Amazing Race dahil partner kayong maghahanap, samantalang ako, mag-isa.
Mula bahay namin sa UP Diliman, sumakay akong Pantranco na jeep papuntang MRT-Quezon Avenue Station. Bilin kasi sa text ni Bebang na sa Libertad station ako maghanap ng DOST na jeep na papuntang Taguig, bababa sa Bicutan Market at sumakay ng yellow na tricycle at sabihin: Ma. Asuncion Rodriguez Tinga HighSchool.
Kaya mula MRT-Q.Ave, bumaba ako ng Taft station, at sumakay ng LRT1 papuntang Libertad station. Pagkababa ng istasyon, dahil gutom na ako at hindi pa nag-aalmusal, kumain ako sa Mcdo (na isang napakagaling na desisyon, dahil mahaba-haba pa pala ang biyahe). Dahil wala akong nakikitang DOST na jeep, nagtatanong-tanong ako. Sabi ng mama, kailangan kong tumawid at sumakay papuntang Rotonda (kung saan man iyon, hindi ko alam) na agad ko namang ginawa. Habang nasa loob ng jeep, napansin kong binabaybay ko lamang pabalik ang LRT Taft-Libertad na dinaanan ko (sa pagkakataong ito, nasa ilalim lang ako). Dumaan ulit ako sa kahabaan ng Taft, pabalik ng Taft station ng MRT (ang winner talaga!!! pansin nyo ba ang sarcasm?) tapos ay kumanan at dinaanan ang Macapagal Blvd. Doon medyo natakot na ako, natatanaw ko na kasi ang MOA, mukhang naliligaw na talaga ako. Mabuti na lamang at nag-U Turn ang jeep bago pa makarating sa napakalaking globo ng SM. Pagkalampas kaunti ng Heritage Hotel, kumanan ulit kami. Na mas lalo kong ikinaba, puros Happy Hours ang nakikita ko, samut-saring rate depende sa oras at araw ng punta at may isa pa ngang nakapaskil na nagsasabing huwag mag-alala, magtatawag pa sila ng taxi kapag aalis na kayo. Hahahaha! Magkakasunod na motel ang nakikita ko. Kaya naman ipinaalala ko ulit sa driver ang destinasyon ko: sakayan ng DOST na jeep. Sabi ng driver: Nakalimutan daw niya ang bilin ko (por Diyos, por Santo, nasa likod nya lang ako). Kaya bumaba ako at naglakad ng dalawang kanto (peste talaga ang ideya kong mag-stilleto, ang sakit sa paa tapos aspalto pa).
Sa kanto, tanong-tanong ulit, hanggang makakita ng DOST na jeep (sa wakas)…pagkabayad na pagkabayan ng 15pesos, ibinilin ko agad sa driver ang Bicutan Market. Habang nagbyabyahe at pasilip-silip sa kalsada, nakakatawa (na nakakainis) na binabaybay kong muli ang EDSA (pa-north bound nga lamang). Gusto ko nang kalbuhin ang sarili ko noon, mabuti na lamang at kumanan sa isang kalsada hindi ko na nabasa ang pangalan, hanggang sa makakita ako ng “to Paranaque, to Las Pinas” na signboard sa mala-SLEX na kalsada (dahil may tollgate). Shheeeesshhh nasaan na ako? Hindi ko na alam, hindi ako tagarito.
Nakita ko na ang SM Bicutan (meron palang ganun, hindi ko alam), nakakita ako ng madaming stall at sidewalk vendor (hindi naman daw ito ang Bicutan Market). Tinanong ko ulit ang manong kung saan ang eskwelahan, kamukat-mukat, hindi nya pa raw naririnig ang ganun. Hala! Patay na talaga. Bumababa na ako sa may tricycle, naghahanap ng yellow, as in tita Cory yellow. Pero wala. Kaya sumakay ako ng Puting Tricycle sabi ko sa eskwelahang Ma. Asuncion Rodriguez HighSchool (MRT-HS). Ibinaba naman ako sa eskwelahan, pero hindi naman sa MRT-HS. Ang tanong pa nga ng guwardiya sa akin: saan ba yan? Upper, Lower o Central Bicutan. Huwattt???? may ganun pa pala… hindi sapat na sabihin ang pangalan ng eskwelahan, may Upper, Lower at Central pa pala.
Matapos ang ilan pang napagtanungan, sabi ng isang mama sa isang building na hindi ko alam kung ano pero madaming pulang plakang kotse sa parking area, sa Upper area daw ang hinahanap kong eskwelahan (salamat naman at natukoy din) at nasa Lower kami. Suhestiyon niyang bumalik ako ng istasyon ng tricycle (dahil punuan na ang mga dumadaan na trike sa lugar namin) at sumakay ng gold na kulay. Huwattt??? gold? akala ko ba yellow…. hayyy… kaya naman pala, yellow-gold. Pero mas gold kaysa yellow. Kaya balik ako istasyon ng trike, sumakay, dinaanan ulit ang building ng mamang pinagtanungan ko hanggang makarating sa wakas sa Ma. Asuncion Rodriguez HighSchool. 7:30 ako umalis ng bahay, 10:30 na ako nakarating (well, halos, 10:30).
Pagkauwi, halos sabunutan ko ang sarili ko nang malaman na c5 lang maaari na akong pumunta ng MRT-HS. Hayyyy, c5 lang pala…
Sabagay, pagkalayo-layo man ng prusisyon, sa MRT-HS pa rin ang tuloy.
gusto ko po matuto gumawa ng suka mula sa ibat ibang produkto tulad ng sabaw ng niyog, pinya at dalanghita. san ako pwedeng makakuha ng recipe