(Mas) Bukod kang Pinagpala Kaysa sa Akin
June 16, 2006 by mic-camba
(para kay Espie)
Minsan ko nang narinig na baduy
Tumula ng ukol sa pag-ibig.
Subalit sa pagkakataong ito,
Nagtataka ako,
Dahil ang mismong naringgan ng mga kataga’y
Siya rin mismong sumungkit at humabi
Ng mga salitang para lamang sa iyo Espie.
Ang totoo, makailang beses ko na rin siyang
Narinig tumula,
Ukol sa kape, sa pagkakape, at magkakape
sa laban ng stars and stripes at Iraq
sa pagguho ng mga pangarap sa bundok ng Payatas.
At sa likod ng mga pagtula at pagkathang ito
Nangarap rin akong lumikha siya ng tula para sa akin,
Mga tula ng pagkaburyong dahil sa pag-iisa,
Na nagsasalaysay kung paano kami muling nagkita,
Ang mga palitan ng kwento at kuru-kuro,
Ang araw na sabay kaming bumili ng libro,
kumain ng mami sa Quiapo,
Uminom ng beer sa may kanto.
Naiinggit ako sa iyo Espie
Dahil nakuha mo ang pagsuyo na naging mailap sa akin,
Ang himig at tugma ng mga taludtod na ikinauuhaw ko,
Ang porma at talinghaga na nagbibigay-lambing at init sa pag-iisa.
Tunay ngang kay swerte mo, Espie.
Tunay ngang mas pinagpala sa ‘yo si Espie…
Hindi ka nagwagi sa puso ng taong kaytagal mo nang minahal…
ikaw…
ikaw na kaydami nang pinagdaanan…
ikaw na kaydami nang
puhunan…
wahahaha…. nahawa ako sa pagiging makata mo at sa taong humabi ng mga taludtod para lamang kay ESPIE… weheheheh… Hindi ko pala nasabi sa ‘yo, memorable para sa ‘kin ang pangalang ‘yan… dahil ang lalaking minahal ko sa nakaraan ay ESPI LAZO ang ‘ngalan…
ay, tama na nga to!!! parang ako ang may “poetry workshop” ah!!!
Basta kilala ko si Espie… tapos.