Ilang mga Dalit*
June 27, 2006 by mic-camba
Salamat sa Tide
Sabong gamit sa panlaba’y
May mahikang dala-dala.
Nakatatanggal ng mantas,
Kahit hindi na magkula.
Tora-tora
Nakalulula sa laki,
Maingay, nakabibingi!
Iyong bakal na tutubi
Na second hand nang binili.
Diyeta
Tuwing sasapit ang PAsko,
Kaliwa’t kanan ang tukso.
Kaya ang baywang na gusto,
Mahihirapang matamo.
Wowowee
Ang dumangsang Kapamilyang
Lampas-langit na pumila
Para sa gamumung pera’y
Nauwi lang sa trahedya.
Alas-kuwatro ng Umaga
Inaalala sa dyipni
Ang namik-ap sa Makati:
‘Sang kostumer na lalaking
nangangamoy kilikili.
Spolarium
Bakas sa chiaroscuro
Ang duguang mga braso’t
Lahat ng pang-aabuso
Ng Imperyo ng Romano.
* tulang may isang saknong, apat na taludtod at walong pantig bawat linya at may tugma