Ilang mga Awit*
June 27, 2006 by mic-camba
Sa pagsulat ng tula
Kahapon pa ako nangangapa-ngapa
Ng mga imaheng para sa pagtula.
Subalit ang berso’y ayaw manalinghaga,
Parang hangin sa t’yan na ayaw lumaya.
Sa St.Louie
Ang Expo sa U.S.ang yaong may palabas
Na kultura nati’y mababang kalidad.
May hawak na sibat, ang damit ay bahag,
Kaya white man’s burden dapat daw maganap.
Chico Dam
“Huwag itatayo,” yaong tagulaylay
Ng mga bayaning sa ilog ay bantay.
Sila’y nagsisayaw, nag-alay ng dasal,
Nang di maitayo ang proyektong mag-dam.
* tulang may apat na taludtod bawat saknong; labing-anim na pantig bawat linya at may sesura (dapat) na makinis.