fete dela musique
June 30, 2006 by mic-camba
sinong mag-aakala na dalawang taon na pala ang nakakalipas mula noong una akong nag-fete dela musique? nostalgia talaga…
tama. dalawang taon na nga ang nakalilipas noong una akong nag-fete de la musique. ngunit ganoon pa man, malinaw pa rin sa isip ko ang mga kaganapan noong araw na iyon. naaalala ko na isasama ko sana ang aking pinsang balikbayan sa jazz festival na iyon, nga lamang, dahil sa naninibago pa ang kanyang katawan sa mainit na panahon ng bayan kong Pilipinas, nag-nose bleed siya, na naging dahilan upang hindi siya makasama. buti na lamang, present at availabale ang aking gimik-buddy na si Sherly. salamat sa Diyos!
biyernes din iyon ng gabi. maulap, na tila nagbabadya ng malakas na ulan. subalit magkaganoon man, hindi pa rin kami napigilang pumunta at manood sa pa-concert na gaganapin sa ever-memorable, ever-famous na libis.
napagkasunduan namin ni She na magkita ng 9pm sa starbucks, Shangrila. Halfway kasi para sa aming dalawa. naaalala kong, kasama niya noon si Jaime (ibang Jaime ito) nang magkita kami. birthday kasi ni Jaims at nanonood sila ng sine noong hapon. pinasakay lang namin si Jaime at pumila na kami sa taxi station ulit para makapunta na sa aming destinasyon. matagal ang aming naging paghihintay… madalang kasi ang taxi at marami ang naghihintay, ayaw din naman naming sumakay sa Basic dahil sa patong na plus 50 sa metro… kaya ayun, hintay, sige hintay.
at buti na lang kamo, nagkaroon talaga ako ng pasensya na maghintay.
ikalawa na noon kami sa pila nang may dumaang taksi. na mabilis namang ipinasa sa amin ng babae sa unahan. hinihintay pa daw niya ang kasama niya, kaya, mauna na lamang kami. dali-dali naming pinuntahan ang taksi sa pag aakalang baka magbago ng isip ang babae o baka biglang dumating ang kasama nito at kunin na ang sasakyan. sa kasamaang palad, mapili ang manong driver. ayaw niya sa Libis. kaya naman, bumalik ulit kami sa pila at doon ko nakita ang hinihintay ng babae: isang cutie boylet ang bineso-beso niya. Kaya pala, sa isip-isip ko… kahit maghintay ng walang hanggan at paunahin ang iba sa pila, maghihintay naman din talaga ako, kung ganoon ka cutie ang paparating.
ang totoo, hindi lang pala ako nakapansin sa bineso ng girlie-lou. pati pala si Sherly. kaya nang magtinginan kami ni She, sapat na naglakihan ang mga mata namin upang ipaalam sa isa’t isa ang aming opinyon partikular sa nakita namin. pero dahil sadyang hindi na namin mapigilan ang aming mga bibig, kailangan na talaga naming mag-react at mandaot. kailangan lang talaga. pero para hindi naman halatang balahura, at walang breeding to the extent na naiinggit lang talaga kami sa babaeng hindi kagandahan pero may kasama at kabeso-beso na cutie, kinailangan naming gamitin ang ever reliable gay lingo. kailangan naming i-alienate lahat. sa palitan ng mga madadaot naming mga adjective, napag-usapan namin ang patungkol sa ‘fete’, kung gaano kami ka-excited, na sana mapanood ko ang cambio at pedicab dahil kay Diego, na sayang di ko sila nakita noong UP Fair, na baka nandoon si RA at tutugtog ng triangle at marami pang iba. bigla na lamang nag-excuse me si cutie boylet at nagpakilalang taga-UP diliman, na papunta din daw sila sa Libis para manood ng ‘fete’ at kung pwedeng magsabay-sabay na lang kaming apat sa taksi.
obvious naman siguro ng naging sagot namin. isang malaking OO.
pagkapara ng taksi, nangangapa kami ni Sherly kung saan uupo. siguradong sa likod, pero ang malaking tanong, sinong katabi namin? sino sa kanila ang uupo sa harap? na agad namang nasagot dahil sa binuksan kaagad ni boylet ang passenger seat na nangangahulugan na magsisiksikan kaming tatlong babae sa likod: Ako, si She at si girlie-lou.
at dahil sa lakas ng buhos ng ulan noon, naging mahaba at mabagal ang usad ng saksakyan sa C5 area. so near yet so far nga ang drama namin noong gabi. pero sa likod ng seemingly kabagot-bagot na pagbibiyahe na iyon, naging mabunga ang pagkakaroon ng traffic.
likas na makwento ang boylet. ipinakilala niya ang sarili niya bilang Jade at si ang babaeng kasama niya ay (Lilet? Lilac? She, ano nga ulit pangalan nya?). kapwa daw silang UP Diliman students, taga-mass comm. sabi pa niya batch 95 daw siya na agad naman naming sinundan ng…. " so kilala mo si…" hindi pa tapos ang pangungusap at siya na ang pumuno nito. Mula kina RA, Ramon at Ramil ay kilala niya. Maging sina Domingo Garcia, Aimee Rivera at Meg Magsanoc. Basta, name dropping ang araw na iyon. KAhit nga si NJ Apolinario ay kilala niya dahil sa nag-Eng’g pala siya noong first year niya.
hindi ko napansin ang pagdaan ng oras. palitan ng mga kwentong UP at banda ang pumuno rito. noon din namin napansin na tahimik si (_____ kung anuman ang pangalan niya). wala siyang kibo, nakasandal lang ang ulo niya sa bintana ng pinto habang pumapatak-patak ang ulan sa labas (parang MTV-videoke mode ang dating…. nag-eemote.) sa loob-loob ko lang, pakiramdam ko, minumura na kami ng babaeng ito. nagse-scenario building ako, na siguro, isang gabi bago ang pagkikita nila’y ini-imagine na ni girlie-lou ang mga moments nila together, partikular sa likod ng taksi, ang palitan nila ng kwento at iba pa na ngayon ay hindi na posible dahil sa dalawang impakta (kami yun) na atribidang nakisabay at nakikipagkuwentuhan. ang totoo, naawa ako.
kaya, matapos ang halos dalawang oras na biyahe (mula Shangri-la papuntang LIbis), naghatian kami ng pamasahe at pagkalabas ng sasakyan… ang bigla kong nasabi ay: "So paano na? Kitakits na lang." na naging dahilan upang batukan ako ni Sherly. Doon ko nga lang din na-realize na Jade lang ang lama namin tungkol sa kanya. walang apelyido. ni hindi rin kami sigurado kung Jade na rin ang totoo niyang pangalan, baka, nickname lang. walang address, walang telepono, walang cellphone. Jade lang ang alam namin sa kanya…
Lilet…Lilac…nie, Lyka ang pangalan ni girlie-lou-imbey! L-Y-K-A. Lyka! I’ll never forget that name. Like I’ll never forget that night. True, very unforgettable talaga ang fete na yun. We’ll never ever go to another fete without recalling that incident. They might as well rename fete de la musique as “fete dela jade” or, should they adapt a Filipino title, “ang gabing natanga si mic” (hehe)
Ilang taon pa kaya ng fete dela musiques tayo maghahanap ng isang “jade”?
hmmm…”so pano, hanggang dito na lang tayo?”… Oh, I so hate you!!! ;p